Advertisers

Advertisers

Walker tumatakbo!

0 18

Advertisers

Big man who can run.

‘Yan ang pagsasalarawan ng mga sports analyst kay Walker Kessler, ang bagong sentro ng Los Angeles.

Pinatunayan ito ng 25-años mula sa Atlanta, Georgia sa unang dalawang game niya ng season.



Kitang-kita ebidensya na siya kallangan nina Coach JJ Reddick. Starting center na pumupuntos na, rim protector pa. Kasabayan niya ang mga kakampi sa mga fastbreak play. Nitong 2nd game lang ay may steal sa inbound pass at getaway dunk sa unang minuto pa lang.

Nag- average agad siya ng 24 points, 8.5 rebounds, 2 assists, 1.5 steals at 4 blocks sa loob ng 32.5 minutes. Wow monster games eka nga ni Ka Berong.



Galing pa siya ng injury. Sa katunayan ay 5 laro lang siya sa Jazz noong nakaraang season.

Kontra sa mas maliliit na Warriors ay 12 of 12 ang shooting percentage at may sampung salaksak.



Kaso yung counterpart niya sa kalabang Clippers noong Sabado umiskor din ng 22

Sa tulong nina Luka Doncic, Austin Reaves at mga bagong player nila ay 2-0 na purple and gold.

Gaya ng tinuran natin sa huling pitak ay hantayin natin makatapat nila ang Heat na may Giannis Antetokounmpo, Nuggets na may Nikola Jokic at Spurs na may Victor Wenbanyama kung kayanin din niya ang mga higanteng ito sa ilalim.

Pahabol. Sa ikatlong laban ng LAL ay non- factor si Kessler vs sa dating team niyang Utah. Mayroon lang siyang 2 puntos, 7 na rebound at isang block sa loob ng 28 na minutos. Daig na daig siya nina Jared Jackson at Jaxson Hayes na may kabuuang 29 P at 7 R.

Mabuti nagwagi pa rin Lakers.

***

Ayon sa kakasungkit pa lang ng US Chess Open na si Wesley So ay swimming ang pang-relaks niya.

Na-introduce raw siya sa sport ng kanyang kapatid.

Ire naman si LeBron James ay golf. Gayon din si Austin Reaves.at marami pang cager ng NBA

Si 8-divsion champ Manny Pacquiao ay basketball ang nilalaro kung walang training sa ibabaw ng ring.

Dapat talaga may iba kang game upang pang- alis ng suya o sawa. Stress-reliever baga.

***

Sabi ng isang tagasubaybay ay kailangan banggitin ang mga W ni Yeng Guiao sa politika sa Pampanga.

Unang victory niya ay noong 2001 bilang bokal ng unang distrito.

Tapos nanalong bise-gobernador ng lalawigan taong 2004. Nahalal pa siya sa parehong posisyon taong 2007 at 2010.

Pagkayari ng termino ay naging kongresista naman ang batikang coach sa first district ng probinsya 2013

Pero taong 2016 ay tinalo na siya sa kanyang reelection bid ni Carmelo Lazatin Ii.