Advertisers

Advertisers

PARTYLIST LEADERS, IBA PANG GRUPO HINILING ANG PAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON SA NAGING RESULTA NG NAGDAANG ELEKSYON

0 5

Advertisers

HINILING ng ilang concerned citizens at partylist leaders na maimbestigahan ng pamahalaan ang anila ay iregularidad sa nagdaang May 12, 2025 midterm elections.

Kasunod ito ng napaulat na milyun-milyong balota ang hindi umano nabilang at ulat na hindi pagtutugma ng bilang ng balota at nang resulta.

Sa complaint letter na isinumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., isiniwalat ni party-list leader at concerned citizen Jeffrey Santos na ang automated counting machines (ACMs) na pag-aari ng Korean firm na Miru System Inc. ay iniuugnay din sa ilang prominenteng indibidwal, at naghatid ito ng hindi inaasahang pagkapanalo ng ilang kandidato.



Sa kaniyang liham, nanawagan si Santos sa pangulo na ipag-utos ang imbestigasyon sa nangyaring halalan.

Maliban kay Santos, ilang miyembro rin ng mga organisasyon gaya ng Makabayan coalition ang humiling ng komprehensibong imbestigasyon sa kinahinatnan ng eleksyon.

Nabahala ang nasabing mga grupo matapos ang ulat na may mga ACM ang nag-display ng maling vote totals at mayroon ding mga nagluwa ng balota.

Anila ang pagpalyang naitala sa mga ACM ay sapat nang dahilan para magsagawa ng imbestigasyon upang matiyak ang integridad ng electoral process sa bansa.

Nanawagan din ang ilang grupo na magsagawa ng manual vote counting para matukoy kung totoo ba at tama ang resulta ng eleksyon.



Naniniwala si Santos na ang resulta sa botohan sa partylist ay maaaring namanipula ng mga kasabwat ng Miru system para masigurong maipapasok ang kanilang mga pambato sa Kamara o sa Senado.