Advertisers
Napanood natin sa social media ang isang panayam kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. Inihayag ng Pangulo na isa sa pangarap niya ay ang mabilisan pagresponde ng Philippina National Police (PNP) sa nangyaring/nangyayaring krimen. Limang minuto ang nais ng pangulo – kung maari daw ay sa loob ng limang minuto (or less) ay nasa crime scene na ang mga pulis para makapagbigay tulong sa biktima at maaresto agad ang salarin.
Naniniwala ang PBBM na posible ito kapag bawat kanto ay may maitalagang pulis upang sa gayon ay mabilis ang pagresponde bukod sa nasasawata agad ang isang krimen na pinaplano ng mga kriminal.
Binanggit din ng Pangulo na sa pamamagitan ng presensya ng kapulisan sa lasangan o bawat kanto ay magbubungan ito ng pagkakakaibigan ng sibilyan at pulis.
Napakaganda ng nais na mangyari ng Pangulo na kung susuriin ang magbebenipisyo dito ay ang mamamayan.
Marahil, iniisip ng ilan na napakaimposible ng pangarap ni PBBM dahil kung pagbabasehan ang mga nangyayari ngayon ay maraming kriminal ang nakalulusot lalo na ang mga itinuturing na “street criminal” tulad ng snatchers, and the likes. Tama naman.
Pero nothing is impossible – ‘Ika nga ng mga gustong maging posible ang pangarap ni PBBM. Yes, if there’s a will, there’s a way ika nga.
Ang tanong posible ba ang 5-minute response ni Pangulong Marcos Jr.?
Oo naman, posibleng, posible…puwedeng, puwede! Katunayan, may kasagutan na diyan sa pangarap ni PBBM. Actually, hindi lang may kasagutan at sa halip, nasagot na o nangyari na. Ibig sabihin, nagawa na ito ng PNP. Yes, ito ay sa katauhan at pamumuno PMaj. Gen. Nicolas Torre III, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief. Ganun? Oo naman, nagawa na at nais niyang maipagpatuloy ito kung ….mararapatin.
Nagawa at pinatunayan na ni MG Torre III na posible ang nais ni PBBM. Noong si MG Torre III ang District Director ng Quezon City Police District (QCPD), kanyang inimplementa ang 3-minute response. Yes, 3 minutes at hindi 5 minutes. Ang resulta ay positibo – ito ay kanyang pinatunayan sa harap ng publiko at magng sa mamamahayag.
Tumawag kami sa isang kaibigan na nasa labas para tumawag sa QC Dial 122 – 3-minute Response at kunwari ay kailangan ang tulong pulisya. At ginawa nga ito. pagkatanggap ng tawag – doon sisimulan ang bilangan ng tatlongh minuto. Agad na itinawag ang alarma sa mga pulis na nakatalaga sa labas o sa pinakamalapit na lugar.
Hayun, sa loob nga ng tatlong minuto ay nakarating ang mga pulis sa bahay ng aming kaibigan. Ganoon kabilis ang responde. Well, aminado naman ang heneral na kung minsan ay umaabot sa 5 minuto ang pagresponde pero iyan na ang maximum time.
Hindi lamang sa praktis pinatunayan ni MG Torre III ang 3-minute response nkung hindi maging sa aktuwal – maraming beses itong napatunayan sa QCPD – naaaresto agad ang mga salarin. Kaya solve agad ang krimen.
Nang maging Regional Director si MG Torre sa PRO 13, kanya ring ipinatupad ang nasabing itinaguyod niyang programa.
Kaya ang pangarap ni PBBM na 5-minute response ay hindi imposible kung hindi puwedeng-puwede. Hindi lang ito hanggang pangarap kung hindi natupad na at kung mararapatin ay maipatupad ito ni PNP Chief este, CIDG chief Maj. Gen. Torre III sa buong bansa.
Nasaksihan din naman natin kung gaano magtrabaho at mamuno si MG Torre III. Siya lamang ang natatanging District Director, Regional Director at CIDG chief na nangunguna sa operasyon o sinasamahan mismo sa ‘battle field’ ang kanyang mga opisyal at tauhan.
Kaya, kung nais ni PBBM na maipatupad sa buong bansa ang quick response na gusto niya – ang pagresponde sa loob ng limang minuto…alams na. MGen. Torre III is the man.