Advertisers

Advertisers

DISKARTE NI BOYING REMULLA

0 48

Advertisers

Kinumpirma ng Department of Justice na hindi pa rin ito nakapagsusumite ng kanilang counter-affidavit matapos atasan ng Office of the Ombudsman na bigyang linaw ang pagkakaaresto kay Former President Rodrigo Roa Duterte.

Kung saan bigo pa ring makapagbigay ng kanilang kontra-salaysay ang mga inirereklamo sa Office of the Ombudsman na siyang hinihingi sa kanilang panig

Sa naging pagtatanong ng media kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavamo, kinumpirma niya mismo na wala pa ring naihahain na counter-affidavit hinggil rito.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naglabas ng direktiba ang Ombudsman sa limang inirereklamong matataas na opisyal ng bansa kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Malinaw na isa itong diskarte ni BOYING REMULLA,ang mabunyi at ubod ng gulang na Kalkalihim ng Department of Injustice to quote the hard- hitting and fearless lawyers Atty.Ferdie Topacio and Sal Panelo.

Alam kasi ni Bondying este BOYING pala na patapos na ang 7- year unextendable term ni OMBUDSMAN Samuel Martires sa naturang judicial body ngayong July 27,2025.

Kaya ngayon pa lang,minanadali na ng Malacanang ( of course ide- deny ito ng pambansang SINUNGALING at propagandista na si Ateng Claire Castro,official attack dog ng Palasyo) ang Judicial and Bar Council (JBC) para maghanap ng kapalit ni OMBUDSMAN Martires na isang FPRRD appointee.

Obvious na isa itong “dilly- dallying” tactic na ina- apply ng DOJ at ni Bondying Remulla sa 10- day order ng OMBUDSMAN to submit counter affidavits sa mga respondents sa KASONG isinampa ng pambansang ate Senator Imee Marcos.

Speaking of JBC,kung talagang makabayan at independent ang Judicial body na ito,hinding hindi ito susuko sa pressure na ginagawa ng iba’t ibang sekto gaya ng ilang pulitiko at ang pang- iimpluwensiya umano ng law firm na MOST ( Marcos Ochoa Serapio Tan) ni First Lady Liza Araneta Marcos sa pagrerekomenda ng kung sinong Poncio Pilato o Herodes na gagawin nilang tuta at puppet bilang Ombudsman.

Samantala, kung may mga mga personalidad na karapat- dapat sa iiwanang posisyon ni Samuel Martires bilang Ombudsman ito ay sina SolGen Menardo Guevarra at former SolGen din na siJose Calida na ironically ay parehong Duterte appointee at sagradong Duterte loyalists.

Kung talagang walanghiyaan na talaga ang gustong mangyari ng Marcos administration,direktang iupo na nito ang nadisbar na si Larry Gadon na isa pang asong galisin ng mga Marcos para MASAYA di ba?

Para lahat ng KASONG isinampa si Sen.Imee Marcos ay mabasura.

Tutal din naman,gagawin nyong Smokey Mountain at Payata Dump sites ang Office of the OMBUDSMAN.

Ganun din naman ang suma- total at kahihinatnan,magmamalinis pa at kunwari ay dadaan sa tama at parehas na proseso.

Bolahin nyo mga LELONG nyo!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com