Advertisers
TAMA ang nagbabalik na si Senator-elect Ping Lacson sa kanyang tinuran: Isusulong aniya ang pagbuwag sa mga ayudang ginagamit lang ng mga politiko para magpabango, at nagtuturo ng katamaran sa marami nating kababayan sa laylayan.
Kinuwestyon ni Lacson ang mga programang ayuda ng gobyerno tulad ng TUPAD, AKAP, at AICS, na hindi naman talaga nagsisilbi sa tunay na layunin ng serbisyo publiko kundi naging daluyan lang ng pamumulitika at pabor-paboran. Mismo!
Sinabi ni Lacson na ang mga nasabing ayuda ay ginawang kasangkapan ng ilang mambabatas at opisyal para sa pansariling interes. Tumpak!
“Ang dapat ay tulong para sa mahihirap, pero sa TUPAD, AKAP at AICS, mas nauuna ang koneksyon kaysa pangangailangan. Pinaglalaruan ang listahan, inuuna ang kakilala, at lalong masama, ginagamit ito bilang pang-kampanya kahit hindi pa eleksyon,” diin ni Lacson.
Say pa ni Lacson, ang mga programang ito ay madalas nagiging instrumento ng ilang mambabatas upang palakasin ang kanilang personal na interes, sa halip na tunay na makatulong sa mga nangangailangan.
“Ang mga intensyon ay nabaluktot, at ang pondo’y unti-unting napunta sa kamay ng mga bihasa sa ‘ayuda politics,’” bira ni Ping.
Bilang tugon, isinusulong ni Lacson ang integrasyon ng lahat ng porma ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na may mas sistematikong batayan, malinaw na listahan ng mga benepisyaryo, at iisang pamantayan sa implementasyon.
“Kung may isang programang dapat pagtiwalaan, ito ang 4Ps. May malinaw na datos, may sapat na pag-aaral, at hindi ito basta-basta naaabuso,” giit pa ng nagbabalik na Senador mula Cavite.
Sa kanyang pagbabalik sa Senado, bitbit ni Lacson ang paninindigang wakasan ang sistemang “tulong na nagagamit sa taas, pero kapos sa baba.”
Aniya, hindi na dapat maging playground ng pulitika ang mga tulong ng gobyerno, dapat itong bumalik sa tunay na layunin nito: ang mahihirap, hindi ang makapangyarihan.
Sana nga ay itulak ito ni Lacson, hindi press release lang.
Just do it, Ping!!!
***
Pinagsumite ni Pangulong Bongbong Marcos ng courtesy resignation ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete.
Ito’y upang mapalitan ang pabigat lang sa administrasyon at maibalik ang talagang nagtatrabaho.
Nagsumite na ng kanilang resignation sina Education Secretary Sonny Angara, magkapatid na Jonvic ng DILG at Boying ng DoJ.
Ang inaabangan ng lahat na magsumite ng kanyang resignation ay si Sec. Antonio Lagdameo na eversince ay inirereklamo ng marami.
Resign na, Anton!
***
Nagmukhang tanga si Senador Robinhood Padilla sa kanyang mga post na nakikipag- “meeting” sa larawang karton ni ex-President Rody Duterte sa kanyang pagbisita sa The Hague, Netherlands kungsaan nakakulong sa International Criminal Court (ICC) detaintion facility ang huli.
Reaksyon ng netizens: “Nasiraan na talaga si Robin sa sobrang bilib kay Digongnyo.”
Tatlong buwan nang nakakulong sa The Hague si Digong simula nang maaresto Marso 11, 2025 sa NAIA.