Advertisers

Advertisers

WAKASAN ANG VICTIM BLAMING SA SEXUAL HARASSMENT CASES SA MGA KUMPANYA SA PILIPINAS

0 26

Advertisers

SA panahon ngayon, nakakabahala na laganap pa rin ang victim blaming sa mga kaso ng sexual harassment—lalo na sa mga kumpanya sa Pilipinas, partikular na sa Metro Manila. Habang unti-unting nagiging mas bukas ang lipunan sa pagtalakay sa mga isyung ito, nananatiling hadlang ang mentalidad na ito sa tunay na hustisya at proteksyon para sa mga biktima.

Kapag may babaeng empleyado na naglakas-loob magsumbong ng harassment sa opisina, madalas nating marinig ang mga tanong na: “Eh bakit kasi sexy ang suot niya?” o “Siguro nagpaparamdam din naman siya kaya siya ginanyan.” Sa halip na ituon ang sisi sa gumawa ng krimen, ang nagiging tanong ay kung ano ang ginawa ng biktima para “maengganyo” ang pang-aabuso. This is exactly what victim blaming is—and it must stop.

Hindi ito isolated case. Ayon sa ilang pag-aaral at ulat ng mga labor groups, marami sa mga kaso ng harassment sa trabaho ay hindi nairereport dahil sa takot ng mga biktima na sila pa ang mapapahiya, mawalan ng trabaho, o hindi paniwalaan ng HR. Sa ilang kumpanya sa Metro Manila, mas pinipiling manahimik ng mga biktima kaysa ipaglaban ang kanilang karapatan. This silence is not consent—it’s fear.

Ang sexual harassment ay krimen. Hindi ito simpleng “landi” o “misunderstanding.” At lalong hindi ito dapat isisi sa pananamit, pag-uugali, o personalidad ng biktima. Ang dapat usisain at parusahan ay ang taong nang-abuso, hindi ang taong nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

Dapat maging malinaw sa lahat—lalo na sa mga employer at HR departments—na may pananagutan sila sa pagbibigay ng ligtas na lugar para sa lahat ng empleyado. Hindi sapat na may “anti-sexual harassment policy” lang sa handbook; dapat ito ay ipinatutupad, pinaninindigan, at isinusulong sa mismong kultura ng kanilang workplace.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Panahon na para baguhin ang sistema. Panahon na para maniwala sa mga biktima at bigyang lakas sila. Sa mga kumpanya sa Metro Manila at sa buong bansa, huwag na sanang hintayin na may malalaking iskandalo muna bago kumilos. Proteksyon sa empleyado ang dapat inuuna, hindi proteksyon sa reputasyon ng kompanya.

Kung tunay tayong makatao, makatarungan, at may malasakit—dapat nating itigil ang victim blaming at panagutin ang mga tunay na may sala.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.