Advertisers

Advertisers

PH volleyball teams sasabak sa abroad

0 71

Advertisers

LALAHOK ang Alas Pilipinas sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Men’s Nations Cup sa Hunyo 17-24 sa Bahrain.

Ang Pilipinas,Qatar, Vietnam, Australia, and Kazakhstan ay nalagay sa Pool B sa draw na ginanap sa panahon ng AVC Board of Administration Meeting hosted ng AVC at Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara nakaraang Sabado sa Edsa Shangri-La Hotel.

Bahrain, Indonesia, at Thailand ay sa Pool A, habang ang South Korea, Vietnam, at New Zealand ang bomuu sa Pool C.

Bago tumulak patungong Bahrain, ang team ay maglalaro sa Alas Pilipinas Invitationals na nakatakda sa Hunyo 10 hanggang 12 sa Smart Araneta Coliseum — preparasyon para sa 2025 FIVB Men’s World Championship na ang Pilipinas ang host sa Setyembre 12-28.

“It was a remarkable draw for the AVC’s competitions, and we’re incredibly happy to announce that volleyball is very much alive in Asia. We’re aiming for excellent quality of the competitions,”Wika ni Suzara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Lalahok rin ang Pilipinas sa AVC Women’s Cup sa Hanoi, Vietnam sa Hunyo 7-14, na nahanay sa Pool B kasama ang Iran, Indonesia, Mongolia, at New Zealand.

Host Vietnam, Australia, Indonesia, Chinese-Taipei at Hong Kong ay sa Pool A.

Samantala, ang younger Alas Women ay sasabak sa AVC Women’s U16 Championship sa Hulyo 20-27 sa Amman, Jordan.

Ang pilipinas ay nakapirmi sa Pool B kabilang ang Japan, Iran at Saudi Arabia. Jordan, Lebanon, Uzbekistan at Hong Kong ay sa Pool A; China, Qatar, South Korea at Kazakhstan ay sa Pool C; habang ang Chinese-Taipei, Thailand, Australia at India ay sa Pool D.