Advertisers

Advertisers

Angelica bibinyagan sa teatro

0 17

Advertisers

Ni Archie Liao

FIRST time na sasabak ni Angelica Panganiban sa teatro via Virgin Labfest ngayong taon.

Tampok siya sa “Don’t Meow for Me, Catriona” na isa sa mga dulang ipalalabas sa taunang piyesta ng mga orihinal na likhang pang-entablado.

Mula sa panulat ni Ryan Machado at direksyon ni Toni Go-Yadao, makakasama ni Angge ang beteranang stage actress na si Peewee O’Hara.

Ayon sa Kapamilya actress, excited siya sa pagsalang sa teatro dahil bagong teritoryo ito para sa kanya.

Kuwento ito ng isang anak na naiipit sa responsilidad ng pag-aalaga sa ina at sa pagmamahal sa sarili.

Ito ay bahagi ng Set D (May Asim Pa) na kinabibilangan din ng Anniversary ni Nelsito Gomez sa direksyon ni Sarah Facuri at Mommy G ni Jobert Grey Landeza sa direksyon ni Lhorvie Nuevo-Tadioan.

Tampok naman sa Set A na may temang “Buboy” ang Takbo, Batang Tondo ni Yoj sa direksyon ni Chic San Agustin-De Guzman, Ang Bata Kag Ang Ilaga ni Liane Carlo Suelan sa direksyon ni s i g l o ?at Polar Coordinates ni Ade Valenzona sa direksyon ni Paolo O’Hara.

Kasama naman sa Set B (Manibalang) ang Minating Ni Mariah Ang Manto Ng Mommy Ni Mama Mary ni Eljay Castro Deldoc sa direksyon ni Dexter M. Santos,

Unang Araw ni Ivan Villacorta Gentolizo sa direksyon ni Cholo Ledesma at Presidential Suite #2 ni Siege Malvar sa pamamahala ni Johnnie Moran.

“Kinalburo” naman ang tema ng Set C na kinabibilangan ng Mga Magindara sa Siyudad ni Chris Joseph Junior sa direksyon ni Riki Benedict, Ang Problema sa Trolley ni Imuthis sa direksyon ni Adrienne Vergara at The Late Mister Real ni Rolin Migyuel Obina sa direksyon ni Maynard Manansala.

Sa Set E naman na may temang Panghimagas ay mapapanood ang

Identité ni Jhudiel Claire Sosa sa pamamahala ni Meann Espinosa,

Pagkapit sa Hangin ni Joshua Lim So sa direksyon ni José Estrella at Sa Babaeng

Lahat ni Elise Santos sa direksyon ni Caisa Borromeo.

Bahagi naman ng Staged Readings Set 1 ang Wala Ginakamatisan Ang Itlog ni Andy Abella sa direksyon ni Kyrie Allison Samodio at Patay na si Rizal ni Matt Ordoñez sa direksyon ni Kat Batara.

Sa Staged Readings Set 2 ay tampok ang Isang Malaking Tipak ng Bato sa Gitna ng Ilog ni M.E. Mejaro sa pamamahala ni Victor Deseo at Ganimide ni Rex Sandro Nepomuceno sa direksyon ni Arlo De Guzman

Ang Virgin Labfest 20 ay mapapanood sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater) mula Hunyo 11-29, 2025.