Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PARA kay Billy Crawford, ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?
“Pati na rin ang host… ako, hindi rin ako binibigyan ng kung sinu-sino ang nasa likod ng maskara. So the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya yung makakausap ko.
“Kaya that I guess is my biggest challenge lang for me, and also kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po dito sa Masked Singer season 3,” at tumawa si Billy.
“Kaya iyon yung challenging point dito.”
Bilang host ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas ay puring-puri si Billy ng mga judges na sina Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at Pops Fernandez.
Reaksyon ni Billy…
“That’s actually what gives me strength to actually do better at my job, is yung… suportahan lang naman ‘tong trabahong ‘to e.
“Kung may isang nakikita kang medyo… everybody has their bad days, di ba? Pag gising mo ng umaga hindi naman maganda ang araw mo kaagad-agad, e.
“Pero just by staying positive, it keeps everybody positive around you and it just… nakakahawa lang siya, so kung si daddy Janno magpapatawa, sasakyan ko na rin!
“So everybody has the same energy and just feeds off of each other. Iyon, gumagaan lang yung trabaho.
“And hello, I’ve been doing this for more than 30 years, so I think… nagpapasalamat lang ako na gumagaan at gumagaan lang yung trabaho ko, kasama ng mga talented and amazing performers.”
Kung meron siyang gustong pasalihin sa Masked Singer, sino yun?
“Siguro ako sa sobrang dami ng beses na na-mention yung pangalan niya, gusto kong sumaling isa sa Masked Singer si Jed Madela, kasi si Jed ang isa sa pinakakilala kong singers na kayang-kayang mag-iba ng boses niya, sa mataas, sa mababa, so yun yung sa tingin ko mahihirapan kilatisin, si Jed Madela.”
Napapanood ang Masked Singer Pilipinas Sabado at Linggo, 7:45 pm, sa TV5 at Sari Sari Channel.
***
Sa ulo ng nagbabagang balita……
Los Angeles, HANDA NA BA KAYO???
PAPARATING na po sa Long Beach (Los Angeles), CA and bagyong D (Dessa) and Ai (AiAi Delas Alas)…..
Sabay sabay natin silang salubungin sa darating na Biyernes (Friday), June 20, 2025 at 7:00PM??????
LIVE from:
Noypitz Long Beach
7591 E Carson St.
Long Beach, CA 90808
For tickets and sponsorships, please contact:
(714) 606-3576 (Jensen)
(612) 251-2041 (Darwin)
(310) 974-0990 (Larry)
This event is brought to you by Darsen12 Foundation Inc. in cooperation with Noypitz Long Beach headed by Mr. Larry Calonzo…
Partial proceeds will go to Gabay Sa Landas and Home For The Golden Gays!!!!
Kita kitz!!! Magpareserve na!!!