Advertisers

Advertisers

JOHN UMAMIN, ‘DI WELCOME SA BUROL AT LIBING NI ATE GUY

0 10

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAKAPANAYAM ni Julius Babao para sa kanyang YouTube Channel na Unplugged si John Rendez sa ika-40 days ng Superstar/National Artist Nora Aunor.

Ibinahagi ng singer na naramdaman niyang hindi siya welcome sa burol at libing ni Ate Guy.

Ikinuwento niya na nandoon siya sa ospital noong pumanaw si Nora at inalala niya ang huling sandali kung saan hinawakan niya ang kamay ng aktres habang ito ay umiiyak.

Ayon kay John, nagulat sila sa biglaang pagpanaw ng Superstar matapos ang angioplasty na inakala nilang magiging maayos ang resulta.

Naging emosyonal siya habang nagkuwento ng mga huling dasal at awitin sa chapel.

Sa kabila ng sakit ay sinisikap niyang mag-move on at aniya, mas naging malapit siya sa Diyos dahil sa pangyayari.

“Masakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay—lalo na kung ang iniwan ay hindi lamang isang kaibigan, kundi isa ring haligi sa iyong personal na paglalakbay,” paglalarawan ni John matapos ang pagpanaw ng National Artist.

“I’m moving on po, I’m trying to stay positive. Dealing with a loss of someone you love is never easy,” ani John.

Aniya, may kapayapaang naidulot ang mas malapit niyang relasyon ngayon sa Diyos—isang bagay na kanyang kinapitan upang muling buuin ang sarili.

Ibinahagi rin ni John ang emosyonal na eksena sa ospital noong huling araw ni Nora.

“I remember holding her hand, thinking ‘This will be okay, it’s gonna be okay.’ And she was crying, I was singing to her.”

Dumating din umano si Imelda Papin at ilang mga anak ni Nora upang samahan siya sa huling sandali.

Aniya, “They were singing ‘Praise the Lord’ and she was gone.”

Bagama’t tila naisantabi siya sa ilang bahagi ng burol at libing, hindi na rin masyadong binigyang-diin ni John ang isyu.

Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang alaala ni Nora at ang panibagong direksyon na itinuturo ng Diyos sa kanyang buhay.

Si John ay isang rapper at aktor na matagal nang kaibigan at naging personal na kasamahan ni Ate Guy.

Sa loob ng maraming taon, naging malapit siya sa aktres at naging bahagi ng kanyang inner circle.

Kilala si John sa kanyang tapat na pagsuporta sa Superstar kahit sa panahong hindi na aktibo ito sa showbiz.

Ang kanyang matinding emosyon sa pagkawala ni Nora ay sumasalamin sa lalim ng kanilang pinagsamahan.

***

SHARON KINALUGDAN SA KANYANG OOTD

HINANGAAN ang Megastar Sharon Cuneta sa kanyang simple at kumportableng OOTD na ipinost niya sa kanyang IG Stories.

Naka-jeans siya at sweatshirt with matching sneakers, showcasing her laid-back style.

Aniya sa caption: “OOTD. Simple lang but comfy! Dats all”

Komento ng mga netizens: “Ang cuteeee”

“Di mo aakalaing 59 na si mega mukha kasing 25”

“Sexy mo ma!”

“Bawing bawi naman po sa bag”

“Looking young as the years goes by. Keep it up. Shagab forever”

Pagbabalik-tanaw naman ng isang fan, “Sana makita kita dito sa NY lol. Kuwentuhan kita pano kami binabasa ng bumbero nung sobrang siksikan sa harap ng sinehan nung pinalabas ang Bukas Luluhod ang mga.Tala sa Tuguegarao. OMG its one of my most unforgettable experiences nagkatrauma ako”

***

SOFIA ALIW SA KANYANG MGA APLIKANTE

NAALIW si Sofia Andres sa mga nag-aapply na personal assistant sa kanya.

Nag-viral sa socal media ang paghahanap niya ng bagong PA dahil sa nakakalokang requirements na hinahanap niya sa mga planong mag-apply.

Sa kanyang Instagram story mababasa ang post niya na, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule).”

Marami raw nagpadala ng application, at ilan nga rito ay ipinost ni Sofia sa kanyang IG, kabilang na ang nagsabing ang mga hinahanap daw niya ay nasa sikat na psychic na si Rudy Baldwin.

“Netizens suggest Rudy Baldwin to apply as personal assistant for Sofia Andres, as she is looking for someone who can read her mind: ‘C Baldwin ang dapat niyang e-hire. Hndi lang isip niya ang kayang e-predict, kundi ang buong Pilipinas. Charottttttt!’” sabi ng isang nagkomento.

Sey naman ng isa, “Netizens Say Rudy Baldwin Is the Perfect PA for Sofia Andres: ‘Kaya I-predict Buong Pilipinas.’”

Ibinahagi rin niya ang screenshots ng mga natanggap niyang application letters.

“Your PA ProMax (10x Advance). Hi Sofia, I hope you’re doing well.

“Please find my resume attached for your consideration. Thank you for your time, and I look forward to hearing from you.”

Komento ni Sofia, “Send help (laughing emojis).”

“Your PA/ka chismisan (pina-plano mo pa Ing nagawa ko na).”

Ang comment ni Sofia, “I think pasok ka na sa next round! (laughing in tears emojis)”

Ayon naman sa isang aplikante, feeling niya ay super qualified siya sa hinahanap na PA ni Sofia. Sabi nito, “Ako na lang pls.

“Mabilis po ako maglakad, keri ko kahit 20 steps ahead..Mind reading? easy. hindi problema yan, may third eye ako HAHAHAH emz!”

Ang tanging reaksyon ng aktres, “Amay!!!”