Advertisers

Advertisers

REAPPOINTMENT NI NBI DIRECTOR JIMMY SANTIAGO, MABUTI PARA SA GOBYERNO NI BBM

0 2,385

Advertisers

Kelan lamang ay isa si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jimmy Santiago sa mga nagsumite ng courtesy resignation alinsunod sa kahilingan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sa kanyang liham ay nagpahayag si Santiago ng pasasalamat sa Pangulo sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya. Tiniyak din niya ang maayos na transition at ang pagkilala sa mga prayoridad ng gobyerno.

“Upon your acceptance, the undersigned will immediately begin the process of turning over in an orderly manner all the matters pending in my office. It has been an honor to be a part of your government, Mr. President. I will continue to serve the Filipino people alongside you toward a Bagong Pilipinas,” ani Santiago sa kanyang courtesy resignation letter.



Gaya ng nakararaming Pilipino ay isa ang inyong lingkod sa mga nagdarasal na sana ay huwag tanggapin ni Pangulong Marcos, Jr. ang resignation ni Santiago, dahil sa kalidad ng trabaho at dedikasyong ipinakita nito mula nang ma-appoint sa puwesto noong 2023.

Una sa lahat, muling sumikat ang NBI makaraan ang ilang taon din namang tila pananahimik sa mata ng media.



Ito ay dahil sa pagkakatalaga sa isang gaya ni Santiago na kilalang-kilala sa larangan ng pagseserbisyo lalo na sa law enforcement at pagiging kaaway ng mga kriminal at mga sangkot sa iligal na gawain.

Isa siyang sikat na pulis, prosecutor at judge at maging bilang isang Bureau of Corrrections official. Batay sa kanyang mga karanasan ay siya lamang ang tanging government official na nakapaglingkod na sa ‘five pillars of the justice system’.



Hindi maikakaila na bunga ng dala-dalang kwalipikasyon at mahabang taon ng karanasan bilang pulis at abogado, malaki ang naging kapakinabangan sa kanya ng gobyerno.

Bilang hepe naman ng NBI ay ipinakita niya ang pagiging makatao sa mga kasama sa bureau. Tinatayuan niya ang kanyang mga tao pag nasa tama at di naman kinukunsinti kapag may mali. Ang mga karapat-dapat na ma-promote o mailagay sa puwesto ng kanilang expertise ay binibigyan ng tamang pansin at aksyon.

Binuksan din ni Santiago ang pintuan ng NBI sa mga hindi abogado o certified public accountants bagama’t ang mga bagong tanggap ay dumadaan sa masusing background check upang tiyakin na hindi mahahaluan ang bureau ng mga bugok na itlog.

“Lest we forget, the NBI is and should remain to be a place for honorable men and women, dedicating their lives in upholding law and justice. Amidst these halls of honor, there is no place for scoundrels. The good name that was built for years should by no means be destroyed by the same men and women who comprise it. In that way, our hearts shall forever truly pulsate with the fire of Nobility, Bravery and Integrity,” anang NBI chief.

Napakahaba ng listahan ng mga nagawa ng NBI sa pamumuno ni Santiago. Hindi maikakaila na sa ilalim ng kanyang pamamalakad ay muling sumikat ang NBI bilang isa sa mga pinaka-aktibo at pinagkakatiwalaang ahensiya ng gobyerno.

Gaya nga ng kanyang tinuran sa kauna-unahang media forum na kanyang dinaluhan, ang Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) Balitaan: “Alam nyo, sa pamilya ko, sa mga kababayan natin, sa mga kaibigan ko, kayo sa media, kilala n’yo na si SPO4 Jimmy Santiago. Ang gusto kong maiwan na legacy ay ito talaga— merong isang pulis na naging piskal, naging MTC judge, naging RTC judge, naging NBI direktor, hindi corrupt.”

Hindi lahat ng opisyal ng gobyerno ay kayang sabihin ang ganyan.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.