Advertisers

Advertisers

KA FREDDIE, BAKIT ‘DI GINAWANG NATIONAL ARTIST?

0 32

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

WALA pa yatang 24 hours mula nang binawian ng buhay ang mang aawit na si Freddie Aguilar ay inilibing kaagad ito alinsunod sa kultura at tradisyon ng mga Muslim kungsaan ito ang napiling relihiyon ni Ka Freddie.

Nirerespeto naman ito ng mga taga industriya pero sa June 1 ay may gagawing prayers ang mga nagmamahal kay Kaka sa St. Peter Chapel sa Commonwealth Avenue. Parang lamay ito kay Ka Freddie kahit nailibing na ang kanyang katawang lupa .



Sasariwain at magbabalik tanaw ang mga nagmamahal kay Freddie noong nabubuhay pa ito lalo na ang nagawa nitong achievement sa larangan ng musika. Ang kanyang kantang “Anak” ang tanging OPM song na kinakanta sa maraming bansa at trinanslate pa sa napakaraming lengguwahe.

Minsan naisip ko, sa laki ng ginawang impact ng kantang ito ni Freddie worldwide, bakit hindi siya ginawang National Artist to think na sumikat ang Anak late ’70s pa, ang dami nang presidenteng dumaan na naging close rin naman kay Kaka pero bakit di nila naisip yun?



Isa pa sa naisip ko, kung naging National Artist for Music din si Kaka, hindi rin siguro siya puwedeng bigyan ng magarbong lamay tulad ng kay Nora Aunor at baka hindi rin siya ililibing sa Libingan ng Mga Bayani at sa Muslim Cemetery pa rin.

Malapit ang grupo namin (PMPC) kay Ka Freddie at sa loob ng napakaraming taon ay palagi kaming nangangaroling sa kanya mula pa dun sa bahay niya sa New Manila hanggang sa lumipat siya ng Fairview.



Hndi ka nsmin makakalimutan,

***

BAHAY NI YNEZ VENERACION, FOR SALE?

MAY nasagap akong tsika na for sale raw ang magarang bahay ni Ynez Veneracion sa Cainta, Rizal?

Matagal nang nabili ni Ynez ang naturang bahay, siguro late ’90s pa at napuntahan ko na ang bahay ni Ynez na may 3 palapag many years ago.

Hindi pa uso noon ang glass house at si Ynez ang unang nagkaroon nito among her peers (sexy star of the 90s).

In need ba si Ynez ng cash ngayon very badly? Well, may regular show naman siya, ang Mga Batang Riles at may mga shows pa rin naman siya sa mga provinces.

Ano kaya ang dahilan? Hindi maganda yung paghihiwalay ni Ynez at ng bagets na boyfriend niya kungsaan mayroon silang anak na girl. Baka gusto lang ni Ynez ng panibagong environment para ganap na makapag move on, ganun kaya?

Sa mga nag iisip na baka si Toto Mangudadatu [kungsaan mayroon silang dalagindingding na anak) ang nagbigay sa kanya ng bahay na iyon, no hindi po. I should know. Matagal nang nabili ni Ynez ang bahay na iyon bago pa sila magkakilala ni Sir Toto na ang wife ngayon ay ang beauty queen na si Sharifa Akeel.

Naku, ipa advertise mo yan sa Presello Nez, mas mabebenta mo yan nang boggang bongga.