Advertisers
MULING lumitaw ang National Capital Region (NCR) na overall champion sa 65th Palarong Pambansa sa pagtapos ng isang Linggong sporting events na humakot ng 117 gold,70 silver,at 50 bronze medals.
Ang NCR’s gold medal haul ay kabilang ang 36 sa gymnastics at 19 sa swimming, kaloob ni Titus Rafael Sia at Sophia Rose Garra, na nagwaging tig-7 sa elementary division, at Patricia Mae Santor,na may 5 sa secondary division.
Calabarzon ang second overall na may 47 golds,tampok ang malakas na showing sa chess (12 golds) at swimming (11), kasama ang 68 silvers at 66 bronzes.
Nakupo ng Western Visayas ang third place na may 44 golds, pinatibay ng championship sa elementary girls’ softball at secondary boys’ baseball.
Davao Region nakamit ang fourth na may 43 golds, tampok ang napakagaling na dancesport (14 golds) at nagwagi ng titulo sa elementary boys’ football at volleyball, at secondary boys’ 5×5 basketball.
Northern Mindanao ang bomuo sa top five na may 31 golds, kabilang ang 9 sa arnis.
Kumomleto sa top 10 ay ang Central Luzon (29-25-36), Central Visayas (25-32-52), Caraga (21-20-43), Cordillera Region (17-13-11), at Eastern Visayas (16-17-21), na nasungkit ang tournament’s first gold, kaloob ni Chrisia Mae Tajerros sa secondary girls’ 3,000m run.