Advertisers
PINATALSIK ng National University Nazareth School (NUNS) ang Adamson University, 25-13, 25-22, Huwebes upang makarating sa semifinal round ng 2025 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 sa La Salle Green Hills Gym.
Reigning UAAP MVP Samantha Cantada umiskor ng nine points, kabilang ang five sa second set, para sa ikalimang sunod-sunod na tagumpay ng bagong korona na Palarong Pambansa Lady Bullpups
“The pressure is too much for me because I’m playing against my former school. Good thing I was able to overcome the pressure and handled it properly,” Wika ni Cantada, na pinamunuan ang Adamson sa runner-up finish bago lumipat sa NUNS.
Jacob at Harlyn Serneche nagdagdag ng tig-seven points para sa NUNS, na makakaharap ang unbeaten Emilio Aguinaldo College sa knockout best-of-five sets Final Four Biyernes.
Angel Joy Perez may 17 points on 15 attacks at two aces habang si Hanameel Saplot nagdagdag ng points para sa EAC, na nagtala ng 25-22, 25-16 wagi laban sa King’s Montessori School sa ibang quarterfinal match.
Samantala, Bacolod Tay Tung dinaig ang Far Eastern University-Diliman, 25-22, 27-25, para umabante sa susunod na round na may limang panalo.
Camila Bartolome at Rhose Almendralejo umiskor ng eight at seven points, ayon sa pagkakasunod at ipuwersa ng Thunderbolts ang semifinal showdown kontra De La Salle-Lipa, na umasa kina Feliss Sumague at Kyle Aldovino para magwagi laban sa unbeaten Arellano University, 25-23, 17-25, 25-19.
Adamson, KMS, FEU-Diliman, at Arellano ay nilagay sa classification round.
Sa Division 2, pinadapa ng Immaculate Conception Academy ang Miriam College, 25-19, 25-20, habang ang Everest International Academy pinatalsik ang Assumption Antipolo, 25-20, 25-22, para itakda ang semis duel.
St. Paul College-Pasig inaresto ang La Salle Green Hills, 25-17, 25-22, para umusad sa semis laban sa Domuschola International School, na pinataob ang De La Salle-Zobel B, 25-19, 11-25, 25-13.