Advertisers

Advertisers

Pamilya Gonzaga At Soriano Patok Sa Tiktok At Vlog; PCSO Director Imelda Papin Big Angel Nina Ate Guy, Amay At Ka Freddie

0 37

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

HINDI ang ang mga netizens, maging ang inyong columnist ay aliw na aliw panoorin ang Tiktok ng Gonzaga sisters na sina Alex at Toni along with their beloved parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy Gonzaga.

Kaya naman always millions ang views nito. Yes, kung sayawan lang din ang pag-uusapan aba’y ang original dancer sa Gonzaga Family ay itong LOVES naming si Mommy Pinty. Ang saya ring panoorin kapag nakiki-join si Daddy Bonoy sa Tiktok na sinasayaw rin ang mga viral dance.

Ang cute namang panoorin sina Direk Paul Soriano at elected Vice Mayor ng Lipa City na husband ni Alex na si Bise Mikee Morada at mga anak nina Toni at Direk Paul na sina Seve at Polly. Hataw rin sa videos ang pamilya Gonzaga at Soriano sa Vlogs nina Toni at Alex na gumagawa ng iba’t ibang challenge na ang latest ay ang “Sino Magaling? Millennials Vs Boomers.”

Mapapanood ito sa official Youtube Channel ni Alex. At ang cute kapag nagre-react na si Mommy Pinty na kinaaaliwan ng husto ng kanilang milyong viewers.

Well born comedienne talaga itong si Mommy Pinty na endorser ng Chef Ayb’s PARAGIS PH with Alex and Daddy Bonoy at Eyeberry. At ito namang si Alex ay endorser ng iba’t ibang produkto na ang latest ay ang Snailwhite Whipp Soap. Si Toni ay ilang years nang Ambassador ng EUREKA APPLIANCES.

May iba pa itong mga endorsements. At siyempre pa ang sisters din ang mukha ng HAPPY CUP ng kanilang Mommy Pinty na parami ang branches nationwide. Pinagpala talaga ng Itaas ang Gonzaga Family kasi marunong silang magpasalamat sa DIYOS at hindi nakalilimot na tumulong sa kapwa.

***

KABIBILIBAN talaga ang pagkakaroon ng malaking puso ni PCSO Board of Director and famous singer na si Imelda Papin, sa mga buhay at namayapang big celebrities. Just like Nora Aunor, si Manay Mel pala ang takbuhan ni Ate Guy sa tuwing maoospital siya, at parati siyang tinutulungan nito.

At hanggang sa huling hininga ng ating Superstar ay si Manay Imelda pa rin ang kasama niya. Naging punong abala rin ang singer-politician (Imelda) sa lamay ni Ate Guy sa Heritage Park sa Taguig. Recently lang ay nagdaos ng tribute si Imelda sa namayapang Ama ng Musika na matalik niyang kaibigan na si Kaka Freddie Aguilar na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ni Ka Freddie.

At noong pumanaw naman ang beteranong komedyante na si Amay Bisaya, ay agad siyang dinamayan ni Imelda. Yung iba o marami sa mga nakasama sa trabahong artista ni Amay ay kinalimutan na siya. Pero si Manay Mel ay nariyan parati sa kanya kahit noong nabubuhay pa siya.

Dito mo makikita kung gaano kabuti at kalaki ang puso ni Imelda Papin na bukas ang palad sa mga artistang kailangan ang tulong niya. At siyempre marami na rin silang napagamot na mga pasyenteng mahihirap sa PCSO. Kuwento nga sa akin ni Aileen Papin na sister ni Manay Imelda at kasama niya sa PCSO, madalas ay overtime ang kanyang Ate Mel, matutukan lang ang mga taong humihingi ng medical assistance sa kanilang tanggapan. Sabagay sanay maglingkod si Manay Imelda at dalawang beses siyang nahalal noon bilang Bise Gobernadora ng Camarines Sur.