Advertisers

Advertisers

Covid update: 339 gumaling; 26 nasawi; 1,047 bagong kaso

0 507

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ng karagdagang 1,047 bagong kaso ng covid-19 ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Enero 6.
Samantala ay mayroon namang naitalang 339 na gumaling at 26 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (22,690) ang aktibong kaso, 93.3% (448,700) na ang gumaling, at 1.94% (9,347) ang namatay.
Nangunguna pa rin ang Davao City sa may mataas na naitalang kaso ngayong araw na mayroong 76 habang 58 naman sa Quezon City.
Nasa 55 naman sa Laguna, at tig-40 kaso ang naitala sa Bulacan at Cagayan de Oro City.
Ayon sa DOH, nasa 3 laboratory na lamang ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System o CDRS nitong Enero 5. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)