Advertisers
- Ni Archie liao
MARAMING katkatera at sawsawera ang green with envy kay Anne Curtis.
Paano ba naman, sumakses na naman siya dahil nakadaupang palad niya ang tinitiliang oppang si Park Bo Gum kung saan meron siyang selfie.
Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account nang dumalo siya sa Bangkok sa premiere ng series na Good Boy na tampok si Bo Gom fresh from the success of “When Life Gives You Tangerines.”
Last month naman ay na-meet ng “It’s Showtime” host ang popular K drama star na si Song Hye Kyo.
Matatandaang ang dami nang naka-eye to eye na Korean superstars ni Anne tulad nina Gong Yoo at Nam Joo-hyuk.
Kasama na rito ang engkuwentro niya kina Sehun at Yoo Ah- In.
Hirit tuloy ng kibitzers, iba ang karisma ni Anne dahil tila magnet o batubalani ito sa mga kilalang Kdrama actors.
Sey naman ng kibitzers, maganda raw ang association ng aktres sa oppas dahil malapit nang ipalabas ang Pinoy adaptation ng top-rating Kdrama na “It’s Okay To Not Be Okay” na tampok si Anne.
Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa kanyang latest ganap.
“IKAW NA ANNE ANG PINAGPALA!”
“Anne curtis is the luckiest local celebrity to met korean superstars . She casually met Song hye kyo, Park Bo gum, And Gong yoo. in the span of a month.”
“Lowkey calm, but deep down she’s geeking hard!????????”
“NOT ONLY PARK BOGUM?!?!?! EVEN KIM SO HYUN AND LEE SANG YI?!?!?!”
“Patron Saint ng Kdrama Stars!!! Sana magka kdrama stint syaaa”
“Sumakses nanaman ang isang Anne Curtis!”
“Alam mo, Anne, sobra sobra ka na haha hahahahaha”
“May favoritism talaga si Lord ??”
“Swerti ni anne tlaga oh”
“Sumakses na naman si accla. Higit na pinagpala!”
“Ikaw na talaga ms Anne”
“Hindi na naman pumila si Anne hahahaha”
***
Writing Fellows ng Virgin Labfest XX, inanunsyo ng CCP
PAGKATAPOS ng masusing deliberasyon, inanunsyo na ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang walong (8) mandudula na pasok sa Virgin Labfest XX Writing Fellowship Program (VLF XX WFP), na gaganapin mula sa CCP Complex (online at onsite) mula Hunyo 17 hanggang 29, 2025.
Ang writing fellows na napili ay sina Ace Abu, Aldrine Anzures,Princess Joy Buenafe,Mark Joseph Briones, Laurence Miguel De Vera,Maleah Rae Frange,Bradley Jason Pantajo at Qashrina Musa.
Ang VLF XX WFP ay isang intensive two-week mentorship initiative sa ilalim ng patnubay ng multi-awarded playwright na si Glenn Sevilla Mas, kung saan sasanayin ang mga kalahok na participants sa lectures, workshops, at pakikipagtalastasan hinggil sa playwriting at script critiquing.
Bibigyan din sila ng access sa festival plays ngayong taon at magkakaroon ng interaksyon sa talkbacks sa mga kilalang mandudula at mga direktor.
Ang Virgin Labfest Writing Fellowship Program ay naging training ground ng mga pinagpipitaganang mandudula natin sa bansa.
Ilan sa mga tampok na mandudula sa Virgin Labfest XX: HINOG ngayong taon ay sina Ivan Villacorta Gentolizo (Unang Araw), Chris Joseph Junio (Mga Magindara sa Siyudad), Harvey Rebaya Sallador / “Imuthis” (Ang Problema sa Trolley), Mikaella Yoj (TBT, Takbo Batang Tondo), Jobert Grey Landeza (Mommy G), at Jhudiel Clare D. Sosa, (Identité) na kasama sa revisited plays. Kasama rin dito si Andy Abellar, na ang obrang Wala Ginakamatisan ang Itlog ay kabilang sa staged reading.
Ang staged readings ng Fellows’ original works ay idaraos sa Bulwagang Roberto Chabet, 3/F Tanghalang Ignacio Gimenez, CCP Complex sa ganap na alas singko ng hapon sa Hunyo 29.