Advertisers
MALAKING tagumpay ang SB19’s “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale” film, na hanggang ngayon ay palabas sa selected SM cinemas.
Hango sa massive outdoor concert ng grupo na Wakas at Simula: The Trilogy Finale sa SMDC Festival Grounds noong April 2026, nag-premier ito globally noong October 7.
Masaya ang 1Z Entertainment dahil sa kabila nang dumagsang 100,000 fans sa concert ay patuloy ang suporta ng kanilang global A’tin sa film version nito.
Directed by Yoon Dong Oh, ang “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale” film ay mapapanood pa rin sa mga piling sinehan sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo. Available din ito for screening on 2D, SCREENX, 4DX, and ULTRA 4DX.
To SB19 at mga loyal A’tin, congratulations!
Speaking of A’tin, kabilang sa kanila ang MediKaps na nag-invite sa inyong lingkod sa pa-block screening ng grupo sa “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale” film noong October 7 sa MOA ScreenX, kung saan dumaan saglit ang SB19 to see and greet their fans.
Ang MediKaps ay mga licensed health professionals for SB19 na nabuo lamang noong June 1, 2026. Nagsimula sa mga mumunting chikahan [kapag may SB19 events] kung ano ang professions nila, naisipan ni Doc Rosa at ni Nurse Gianne na magbuo ng grupo at tinawag nila itong MediKaps.
Swerte ng SB19 dahil may MediKaps fan base sila na binubuo ng mga doktor, nurses, medtech, radtech at iba’i ibang licensed health care professionals.
Diversified ang bawat admin ng MediKapas kaya mabilis silang nakikilala. Si Graize, isang RN, ang madalas na mukha ng grupo at makikita sa mga event na nakikipag-usap sa iba’t ibang members. Si Russ, isa rin RN, ang naka-assign sa social media account ng group at kapag may kailangang letters or written documents. Si Mela at Dedeath na kapwa RN din, at si Myka na isang Medtech, ang mga incharge sa membership at sa collective data ng group. Si Gianne naman ang sa freebies. Sina Docs Do, Rose, JC at Recey naman ang incharge sa decision making para sa group. At sina Grace at Clau, parehong RN, sa team abroad.
Maliban sa admins, hindi matatawaran ang MediKaps members here and abroad, na may mga espesyalistang nurses and doctors, na ang iba ay may sariling clinic, hospital, or mataas ang katungkulan sa pinapasukang hospital, at may ilan pa na konektado sa DOH or Department of Health.
More or less one year pa lang ang MediKaps pero marami na silang nagawang projects– outreach program sa Indang, Cavite katuwang ang A’tin Cavite Kaps; outreach event kasama ang D’Alpha Wolf na fanbase ni Pablo para sa mga cancer warriors sa Tanza, Cavite; at latest project nila ang block screening ng SB19 concert film noong Oct. 7 katuwang ang Sariling A’tin.
Sa mga susunod na mga buwan at taon, target ng MediKaps gumawa ng mga makabuluhan pang mga gawain habang nagpa-fangirling sa SB19. Kabilang sa kanilang mga plano ang Medical Mission sa iba’t ibang bahagi ng bansa, blood letting project, food feeding, at pakikibahagi sa mga proyekto ng DOH.
Salute to MediKaps and your future endeavors! Mabuhay po kayong lahat!