Advertisers
Naaresto ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping at robbery ng mga operatiba ng Malabon City Police Station sa isinagawang manhunt operation ng pulisya.
Sa isinumiteng ulat kay Northern Police District Director PBGen. Arnold E. Abad ni police chief PCol.Jay Baybayan, 3:00 ng hapon noong Biyernes nang masakote ang wanted person sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Barangay Tinajeros, Malabon City.
May mga kaso ang nasabing akusado ng paglabag sa R.A. 10883 or the New Anti-Carnapping Law at Robbery (3 counts), na inisyu ng hukuman sa bisa ng warrant of arrest.
May piyansang P600,000.00 inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nasa kustodiya ng pulisya.
Hinihintay na lamang ang pagpapalabas ng commitment order ng hukuman para mailipat ito sa City Jail.(Beth Samson)