Advertisers

Advertisers

FL Liza Marcos Araneta, pinuri ni Mayor Honey dahil sa malasakit sa health system ng bansa

0 54

Advertisers

PINURI ni Mayor Honey Lacuna ang Unang Ginang na si Liza Araneta-Marcos dahil sa pagpapakita ng malasakit at hakbang upang mapaunlad pa ang health system sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lacuna ang mga sumusunod, makaraang samahan niya ang Unang Ginang sa groundbreaking ceremony ng bagong Pediatric & Adult Specialty Building sa Philippine General Hospital.

Mayor Honey Lacuna, DOH Secretary Ted Herbosa at First Lady Liza Araneta Marcos sa groundbreaking ceremony sa PGH.



“Isang malaking karangalan ang makabahagi sa makasaysayang Groundbreaking Ceremony na ito, kung saan tayo ay naimbitahang makasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos,” ayon kay Lacuna na isa ring doktor.

Idinagdag pa ng lady mayor bilang patungkol sa Unang Ginang: “Ang kanyang presensya sa pagtitipong ito ay nagpapakita ng tunay na malasakit at suporta sa pagpapabuti ng sistemang pangkalusugan sa ating bansa. Lubos po ang ating pasasalamat sa imbitasyong maging bahagi ng kaganapang ito.”



Sinabi ni Lacuna, na ang atensyon na ibinigay ng First Lady sa PGH ay isang welcome development, ito ay dahil na rin sa nasa Maynila ang nasabing pagamutan T karamihan ng makikinabang sa specialty services ng PGH ay pawang mga residente lungsod. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">