Advertisers

Advertisers

Alas Women yumuko sa host Vietnam sa VTV Cup opener

0 7

Advertisers

SA kabila ng malakas na ipinapakita ng reinforcements, Alas Pilipinas ay yumuko sa host Vietnam,20-25, 21-25, 21-25, sa opening night ng Women’s Volleyball Cup sa Vinh Phuc Gymnasium Linggo Hunyo, 29.

Ang Filipina hitters, na pinamumunuan nina Brooke Van Sickle, MJ Phillips, at Leila Cruz, ay hindi makaporma laban sa heavy-hitting Vietnamese na nanateli sa ibabaw ng Pool A na may 2-0 slate.

Susubukan ni Van Sickle at kasama na makuha muli ang kanilang winning ways kapag nakaharap ang China-based club Sichuan Lunes ng umaga June 30, alas 5:30 ng hapon.

Pinamunuan ni Cruz ang opensiba ng nationals sa iniskor na 13, habang si Van Sickle umiskor ng 12,samantala si Philipps at palomata,may pinagsamang 18 points.

Ang Vietnamese side ay pinamunuan nina Tran Thi Thanh Thuy at Nguyen Thi Bich Tuyen, parehong player na tumulong sa Vietnam na ilaglag ang Pilipinas sa AVC Nations Cup final nakaraang buwan.

Lahat ng walong participating teams mula sa dalawang grupo ay magbabanggaan sa quarterfinal round ng isang Linggo na kumpetisyon na ang Russia’s Korabelka ang reigning champion.

Mula doon,lahat ng laro ay knockout sa quarters, semifinal, play-off para sa third, at final.