Advertisers

Advertisers

Kathryn at James bagong tambalan sa pagbabalik-serye; Daniel nakabibilib ang malasakit sa mga batang may kanser

0 22

Advertisers

Ni ROMMEL PLACRENTE

NAKAKATUWA naman si Daniel Padilla. Sa kabila kasi ng kanyang busy schedule, naglaan talaga siya ng ng oras, at nag-effort para bisitahin ang mga batang cancer patient na pansamantalang nanunuluyan sa Bahay Aruga sa Paco, Manila nitong weekend.

Matagal na ring tumutulong at bumibisita si Daniel sa Bahay Aruga.

Hindi lang mga batang may cancer ang napasaya ng aktor sa kanyang pagbisita roon, kundi maging ang mga magulang at guardians ng mga ito, at volunteers ng nasabing foundation.

Dahil nga sikat ang seryeng Incognito na isa sa bida si Daniel, panay ang tawag sa kanya ng mga tao roon ng Andres Malvar, ang pangalan ng character niya sa nasabings serye ng Kapamilya network.

Kasabay ng pagdalaw ni Daniel sa Bahay Aruga ang selebrasyon ng unang anibersaryo ng latest fan group niyang DJ FORDever.

Kilala ang aktor na may soft spot sa mga bata, matatanda, mga hayop, at sa kalikasan, kaya naman nai-inspire niya ang kanyang mga faney na tularan siya sa kanyang advocacies.

Kaya tulad ng ibang fandom ni Daniel, pinili ng DJFORDever na mag-celebrate ng kanilang anniversary na may social responsibility activity, na kasama ang kanilang idolong si Daniel.

Anyway, bukod sa mga ayudang grocery items at pa-party sa kids, super appreciated talaga ng mga pasyente ang makita at mayakap ang idolo nilang aktor.

Post nga ng leader ng fan group, “Daniel is the person who inspired and reminded us to do good deeds with the people around us and to give back to the community. We’re always proud of you Daniel!

“We are so lucky to witness this genuine happiness he shared with these kids. Can’t get over about the experience. Thank you so much Boss Supremo!”

Salamat sa Inyo ng kabaitan, Daniel!

***

MAY nakarating sa amin na after Pilipinas Got Talent (PGT), kung saan ay isa sa naging hurado si Kathryn Bernardo, ang susunod na proyektong gagawin niya sa Kapamilya network ay isang teleserye. Yes, balik-teleserye na ang award-winning actress. At ang balita namin na ang makakapareha niya ay si James Reid.

At ang serye na pagbibidahan nina Kath at James ay kukunan pa raw ang ilang bahagi sa ibang bansa.

First time na magkakatrabaho sina Kathryn at James. Bagong putahe, ika nga.

Siguradong matutuwa ang mga faney ni Kath, na muli na naman siyang mapapanood ng mga ito sa isang serye. Ang huling serye na ginawa ng dalaga ay yung 2 Good 2 Be True, 2 years ago, na pinagtambalan nila ng ex na si Daniel Padilla.

Ang huling serye naman na ginawa ni James ay ‘yung Till I Met You noon pang 2016, na katambal niya ang dating ka-loveteam at karelasyon na si Nadine Lustre.