Advertisers
Ni BLESSIE CIRERA
HINDI lang mahusay na singer si Debbie Lopez kundi magaling din siyang dancer.
Pinatunayan ito ni Debbie nang magpakita siya ng isang dance number sa idinaos na grand presscon niya cum post birthday celebration last Sunday sa Symphony Tower sa Timog, Quezon City.
Siyempre, ang inabangan ng mga entertainment press na dumalo sa kanyang media con ay ang pag-awit niya lalo ng kanyang Visayan song na Higudmaon Ka.
Binanggit ni Debbie na nae-excite na siya sa gagawing movie projects lalo na at graduate siya sa acting workshop ni Ogie Diaz.
Kaya naman daw ni Debbie pagsabayin ang pag-awit at pag-arte kaya hindi na siya kelangang papiliin sa dalawa.
Hanggang ngayon ay si JM de Guzman pa rin daw ang showbiz crush niya pero alam niyang hanggang doon na lang iyon dahil may Donnalyn Bartolome na ang aktor.
Sakaling magkakaroon umano siya ng acting projects, nais niyang makapareha ang ilang mahuhusay na aktor na pipiga sa kakayahan niyang maging aktres.
Paboritong singers naman daw ni Debbie sina Ice Seguerra at Rico Blanco.
Patuloy pa rin si Debbie sa pagiging cosplayer maliban pa sa pagiging co-host ni Ian Agsalud sa Sunday show nila sa Radyo Agila na Kantahan Na.
Abangan natin ang ilan pa sa mahahalagang ganap sa buhay at career ni Debbie Lopez.