Advertisers
Siniguro ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang ipatutupad na hospital arrest para sa dating kongresistang si Arnolfo Teves Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na nakatakdang i-discharge si Teves mula sa Philippine General Hospital (PGH) nang ideklarang nasa maayos na ang kalusugan.
Matatandaang dinala sa ospital si Teves nang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan.
Dagdag pa ni Remulla, hindi bibigyan ng ano mang special treatment si Teves sa loob ng piitan at ituturing siyang gaya ng karaniwang Person Deprived of Liberty (PDL).
Tiniyak rin ng DILG, na paiigtingin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang seguridad ni Teves at ng iba pang PDL sa kanilang pangangalaga.