Advertisers

Advertisers

Impeachment court kay Diokno: Hindi patibong ang 2nd certification sa kaso ni VP Sara

0 15

Advertisers

MARIING itinanggi ng tagapagsalita ng Senate impeachment court ang pagdududa na patibong ang paghingi ng sertipikasyon mula sa Kamara para sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng impeachment court na ang lahat ng hakbang ng korte ay ayon sa Impeachment Rules.

Pinaliwanag niya na nais lamang ng korte na maging makatarungan, legal, at transparent.



Mali aniya na tingnan ito bilang patibong o balakid sa proseso dahil layon ng sertipikasyon na maiwasan ang anumang teknikalidad na maaaring makaapekto sa proseso.

Dinagdag pa ng abogado na ang anumang paninira sa mga proseso ay maaaring makaapekto sa kredibilidad ng korte at makasira sa tiwala ng taumbayan.



Unang nagpahayag ng kanyang pagdududa si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na patibong ang pangalawang sertipikasyon na hinihingi ng impeachment court mula sa Kamara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">