Advertisers

Advertisers

BELA BUMIGAY ANG KATAWANG LUPA SA SOBRANG TRABAHO

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGBAHAGI ng health update si Bela Padilla sa kanyang IG Page.

Nagpost siya ng kanyang mga larawan about her current health condition.

Ayon sa aktres, tila bumibigay na ang kanyang katawan sa walang katapusang trabaho.

Aniya, “A few weeks of nonstop work from MMK to Doha to Kuwait and then straight to shooting Stella almost everyday… my body finally had enough.”

She first posted a photo with a humorous yet telling caption about what her vitamins could tell her: “Berocca really said: I can only do so much, girly pop.”

Sa isa naman niyang Instagram story, she shared a shot of her feet in socks, writing, “Vicks + Socks all day today.”

However, it was a selfie that drew the most attention from her supporters — a visibly tired and sick Bela with a fever patch on her forehead, looking straight at the camera.

Aside acting at writing, nagdidirek din ang aktres at nagpo-produce, further proving her creative range in show business.

Ganyan ka-busy ang isang Bela Padilla pagdating sa kanyang craft.

***

RYAN HINDI KINUHANG BEST MAN SI MEME VICE

NALALAPIT na ang kasal ni Ryan Bang at ng fiancee niyang si Paola Huyong.

Nagpe-prepare na sila kung sinu-sinong celebrities ang nasa kanilang entourage.

Kamakailan sa It’s Showtime, nagbibiruan ang lahat ng host about kasalan.

Hanggang napunta ang atensiyon nila sa Korean co-host na si Ryan.

Sa gitna ng kanilang biruan ay nagseryoso si Ryan.

Tinanong niya si Jhong Hilario, “Can you be my best man?”

Tila nagulat si Jhong, pero tinanggap niya ang alok ni Ryan.

Tanong ng mga host kung bakit si Jhong at hindi si Vice Ganda ang kanyang kinuha.

Esplika niya, “Syempre ako, sa puso ko, sa buong buhay ko, pinakamalapit sa akin na kaibigan ay si Kuya Jhong Hilario.”

In-explain din niya kung bakit hindi si Meme Vice ang kanyang Best Man gayung ito ang halos tumulong sa kanya mula’t sapul nang lumabas siya sa PBB house noon.

“Ikaw ang pinaka-close ko… Para talaga tayong — totoo ha — more than tunay na kapatid. Sabi ko Lord, bakit ba ako nag-iisa? Gusto ko sana may kuya ako, may kapatid ako. Ikaw ‘yung gift sa akin ni Lord. Kayo lahat, sila Kuya Vhong. Pero Kuya Jhong, ikaw ang idol ko. Sa sobrang bait mo sa lahat, kaya gusto kong maging ikaw.

“Eh si Mommy Vice, kunin ko siyang best man, magagalit ‘yun, nanay ko ‘yun eh.”

Wika naman ni Jhong, “Syempre nandoon ako. Syempre tatanggapin ko ‘yan, kasi para maging isang Best Man ni Ryan Bang, na mapili ako — malaking karangalan ‘yan. Syempre marami na tayong pinagsamahan.”

Jhong acknowledged Ryan’s journey as a foreigner who found a second family in the Philippines, particularly in the It’s Showtime family. “Alam ko kung gaano kahirap ‘yung makipagsapalaran dito sa Pilipinas na walang pamilya, ikaw lang mag-isa. Pero nakahanap ka ng totoong pamilya, pangalawang pamilya mo, kay Vice, sa akin, sa buong Showtime.”

***

MATET NAIYAK NANG I-BASH HABANG NAGLA-LIVE SELLING SA TIKTOK

NAPAIYAK si Matet de Leon habang nagla-live selling sa TikTok dahil sa masasakit na komento ng netizens.

Hindi napigilan ni Matet ang mapaiyak matapos makatanggap ng masasakit at mapanirang komento mula sa ilang bashers na tila minamaliit ang kanyang pagsusumikap na kumita. Isa sa mga komentong kanyang natanggap, “Wala na kayo project?”

Pati ang ina niyang Superstar ay nadamay pa.

“Suplada ‘to, kaya iniwan ni Ate Guy” kung saan ang tinutumbok ng basher ay ang personal niyang relasyon sa yumaong ina.

Sa kabila ng emosyonal na sandali, ipinagpatuloy pa rin ni Matet ang kanyang live selling sa TikTok at ipinakita ang kanyang tibay at dedikasyon sa marangal na pagkayod para sa pamilya

Pinuri naman siya ng netizens sa kanyang pagiging totoo, matatag, at walang arte sa kabila ng mga mapanirang salita sa online

Bagama’t sanay na raw si Matet sa mga kritisismo sa industriya, inamin niyang hindi niya inaasahang ganito kabigat ang mararamdaman niya habang nagsusumikap lang siyang magbenta online.

Emosyonal siyang nagpahayag na hindi masama ang maghanapbuhay ng marangal at hindi dapat ginagawang biro o pang-insulto ang live selling.

Komento naman ng may simpatiya sa aktres:

“Kahit artista, kailangan din kumayod. Respeto naman sana.”

“Nakaka-proud ka Matet, walang arte sa katawan, tunay na madiskarte.”

“Grabe ang iba, wala nang awa. Kahit artista, tao rin na nasasaktan.”

“Baka nga kaya siya iniwan, hindi ng nanay kundi ng respeto ng ibang tao.”

“Mas may dangal pa ‘tong ginagawa niya kaysa sa mga nagpapasikat sa TikTok para lang sa clout.”