Advertisers

Advertisers

P5.5M shabu timbog sa Regional High Value Indibidual sa Laguna

0 29

Advertisers

HULI sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga otoridad ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Siniloan Municipal Police Station ang isang lalakeng suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Wawa ng Siniloan, Laguna nitong Huwebes ng umaga, July 3, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jerald”, 32- anyos, residente sa kaparehong lugar at nakalista bilang High Value Individual (HVI) sa Regional anti-drug watchlist.

Ayon sa ipinadalang report sa opisina ni Calabarzon PRO 4A Regional Director P/Brigadier General Jack L. Wanky sa Camp BGen. Vicente P. Lim sa Canlubang, Laguna.



Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang walong (8) piraso ng knot tied plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu na may kabuoang bigat na 810 grams at may standard drug price na P5,508.000.00. at ang ginamit na drug buy-bust marked money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">