Advertisers

Advertisers

Rapist nalambat sa Malabon

0 22

Advertisers

Nadakip ng mga operatiba ng Malabon City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni police chief PCol. Allan Umipig ang 24-anyos na lalaking wanted sa batas na may kasong Rape in Sexual assault.

Sa isinumiteng ulat ni Col. Umipig kay NPD district director PBGen. Arnold E. Abad, kinilala ang wanted na si alyas “Cheng”, na tinaguriang No. 7 Top Most Wanted Person ng District Level at No. 9 sa Station Level ngayong Hulyo 2025. May kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A of the Revised Penal Code , – RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997).

Naaresto si “Cheng”, 2:00.ng hapon ng Huwebes, sa New Yellow Bell Extension, Barangay Potrero, Malabon City.



May inirekomendang pyansang P120,000.00 ang hukuman para sa pansamantala nitong kalayaan na pansamantalang nasa Custodial Facility ng pulisya at ililipat sa City Jail makaraang magpalabas ng commitment order ang korte.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">