Advertisers
Sikat na sikat ngayon si Alexandra Eala ang tennis sensation ng Pinas. Numero 56 na kanyang ranking sa buong mundo. Eala 1.
Bagama’t 2nd placer lang sa huling torneong sinalihan at pagkatapos ay maaga na-eliminate sa kasalukuyang Wimbledon Championships ay proud na proud sa kanya ang mga kababayan.
Olat ang dalagang superstar sa first match niya pareho sa singles at doubles ng prestiyosong kampeonato.
Bago dito ay pumangalawa siya kay Maya Joint ng Australia sa Eastbourne Open.
Natanong tuloy ni Pepeng Kirat kung kamag-anak siya ni dating PBA Commissioner Jose Emmanuel Eala na nakita niya noong Huwebes sa Greenbelt 5 na naglalakad kasama ang pamilya. Eala 2.
Pamangkin si Alex ni Noli at siyempre natutuwa siya sa accomplishment nito
Kung puro positibo ang balita kay Alex ay naging kontrobersyal naman si Noli noon.
Dating abogado si Noli pero na-disbar ng Korte Suprema dahil sa pumatol siya sa babaeng may asawa.
Sinampahan siya ng kaso sa Integrated Bar of the Philippines nguni’t hindi naparusahan Kaya inakyat ni Joselano Guevarra, na mister ni Irene Moje na karelasyon ni Noli.
Found guilty si Noli at tinaggalan ng SC ng lisensya sa pagiging attorney.
Saglit siyang naupo bilang Taga-Pangulo ng Philippine Sports Commission sa admin ni BBM.
Ito ay mula Agosto hanggang Disyembre 2022.
Si Noli ngayon ay konektado sa JoyRide at host ng Powerplay na programa sa One Ph at Radyo Singko.
***
Maganda kuwento ni Bro. Armin Luistro ng DeLaSalle sa yumaong Pangulo Noynoy Aquino.
Parati raw siya niloloko ni PNoy na nag-iisang LaSallista sa gabinete niyang puno ng Atenista.
“Kapag nanalo ang Green Archers sa UAAP lalo na kontra sa Blue Eagles ay itetext ako ng anak nina Ninoy at Cory. Sasabihin nakatsamba ang koponan namin,” wika ng kanyang Kalihim ng Edukasyon. Si Luistro ay nagsilbing din dating pinuno ng DLSU.
Hanggang Palasyo pala ang alaskahan ng mga alumni ng dalawang eskwelahan.
Kung minsan nagtataka rin si Bro Armin kung bakit siya napili eh sa karibal na unibersidad siya galing at lalong hindi siya kabarilan sa target shooting o kababayan sa Tarlac.
Nasabi niya na lang sa sarili na kapwa nila mahal ng todo ang bansa.
***
Mukhang masaya na ang LA Lakers sa kanilang mga sentro. Nasungkit nila si Deandre Ayton mula sa Portland. Na-buyout siya ng Blazers at pinapirma ng purple at gold ng dalawang taong kontrata. Pagkatapos nito ay binigyan naman si Jaxon Hayes ng isang taon pang kasunduan.