USA TEAM U15 SILAT SA MALAYA FUTBOL CLUB NG PINAS SA IBERCUP PORTUGAL
Advertisers
Estoril, Portugal, Hulyo 3, 2025 – Matagumpay ang naging kampanya ng Malaya Futbol Club ng Pilipinas sa idinaraos na Ibercup Football dito. Maituturing na upset ang di-inaasahang resulta nang talunin ng Filipino fooball team na may edad 15 taon pababa ang F.C. Sports Swag ng USA sa iskor na 3-2. Nakabangon mula sa pagkaka atras na 0-2 amg mga batang Pinoy para talunin ang tropa ng mga amerkano sa pool play mg naturang torneo.
Ang Malaya FC ay isang non-stock at non-profit na grassroots organization na nagbibigay ng pagsasanay at mga oportunidad sa kompetisyon para sa mga kabataang nangangailangan sa pamamagitan ng sports. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin, i-like, at i-share ang Malaya Futbol Club FB page (https://www.facebook.com/share/1ESvsBc3XV/?mibextid=wwXIfr)