Advertisers

Advertisers

4 KOREANO SA ILLEGAL GAMBLING AT FRAUD, INARESTO NG BI-FSU

0 31

Advertisers

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Korean authorities at local law enforcement partners ay nadakip nila sa magkahiwalay na operasyon ang apat na Korean nationals na wanted sa serious crimes na may kaugnayan sa large-scale illegal online gambling at fraud operations.

Ayon sa ulat ni BI-Fugitive Search Unit (FSU) head Rendel Ryan Sy,kanilang naaresto si Oh Kyoungchul, 42, sa Clark Freeport Zone, Pampanga, kasama ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Office 3, Philippine Navy at Clark Development Corporation Police.

Si Oh ay lider umano ng sindikato na nag-operate ng illegal gambling video production ring sa Cebu mula 2016 hanggang 2018. Nirentahan umano ng grupo ang isang bahay, naglagay ng computer at video equipment at nagpakalat ng content sa mga iligal na gambling websites. Kumita umano ang grupo ng ?3.5 billion isa iligal na operasyon at si Oh ay subject ng isang Interpol Red Notice at may arrest warrant na inisyu laban sa kanya ang Seoul Western District Court.

Sa isinagawang operasyon ay natimbog din si Yang Koo Youn, 39, na ‘overstaying’ alien at kalaunan sa parehong araw ay nadakip naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang isang Jung Hoesung, 40, na overstaying din.

Ani Sy, si Jung ay pumasok umano ng bansa bilang temporary visitor at wanted sa Korea dahil sa pag-operate ng 23 illegal online gambling platforms kung saan kumita siya ng higit ?4 trillion.

Nagawa din umano ng mga Koreano na umengganyo ng mga Pilipino para sumama sa operasyon, kinumpiska ang kanilang mga pasaporte at binabantaan sila habang sinasaktan. Si Jung ay nasa BI blacklist at watchlist din.

Nitong July 4 ay nadakip naman ng grupo ni Sy sa San Juan City si Jonghoon, 41, na siyang finance team leader ng isang criminal organization na nago-operate ng 23 gambling websites na kumita ng higit ?2 trillion. Si Han ay subject din ng Interpol Red Notice at dalawang active derogatory records sa BI.

Ang mga suspectds ay itinuturing na undesirable aliens at naka-detine sa Bureau of Immigration Warden Facility habang wala pa ang deportation proceedings laban sa kanila. (JERRY S. TAN)