Advertisers
Sugatan ang pitong kalalakihan kabilang ang driver ng bumangga sa gutter ng isang ginagawang tulay at mahulog ang isang pampasaherong jeep sa Dasmarinas City, Cavite.
Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Pagamutang Bayan ng Dasmariñas ang biktimang sina Che; Ren; Jerome; Emman; Ronald at ang driver na si John na pawang residente ng Dasmarinas City, Cavite dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Sa ulat, 11:50 ng gabi nang naganap ang insidente sa tulay sa Faima 3 sa Brgy Fatima 3, Dasmariñas City, Cavite kung saan galing ang mga biktima sa isang inuman at nang nag-uwian ay nagkayayaan na kumain sa isang kainan sa Brgy Fatima 3.
Habang binabagtas ang lugar, pagsapit sa tulay ay aksidente umanong nabangga ng driver nito ang gutter dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela at dumiretso sa under constuction na bahagi ng tulay ang kanilang sinasakyan at nahulog.
Masuwerte namang hindi nahulog sa malalim na bangin ang mga pasahero dahil sa mga biga na nakaharang dito subalit pawang nasugatan.(Irine Gascon)