Advertisers

Advertisers

NBI, DTI INARESTO ANG 5 KATAO DAHIL SA P8.1-M ILLEGAL NA PAMAMAHAGI NG VAPE SA MAYNILA

0 13

Advertisers

LIMANG indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa ilegal na pamamahagi ng vape sa Maynila at nasamsam ang mga hindi rehistradong bagay na nagkakahalaga ng P8 milyon, inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes.

Ayon sa NBI, inaresto ng team ng NBI at Department of Trade and Industry (DTI) ang limang indibidwal sa isang entrapment operation sa Santa Cruz, Maynila noong Hulyo 3.

Nakumpiska nila ang 25,653 vape products na may market value na P8,164,570.



Sinabi ng NBI na isa sa mga suspek ay gumagamit umano ng media platforms para mag-market ng mga hindi rehistradong vape products, na isang paglabag sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">