Advertisers

Advertisers

Kamote drivers, kinastigo ni Yorme Isko

0 46

Advertisers

Ibinulsa nga ba at ginamit sa vote-buying ng nakaraang administrasyon ang bilyones na pera ng Batang Maynila, ng mga Lolo, Lola, PWDs, solo parents at ng taxpayers ng Maynila.

Dahil nasimot, nalimas ang pera sa kaha de yero ng siyudad, inilarawan ni Yorme Isko na ang pamahalaang lokal ay maitutulad sa isang pasyente sa Intensive Care Unit (ICU) na nasa bingit ng kamatayan.

Kaya binuo agad ni Yorme ang Task Force FACTS (Fiscal Accountability, Cost Transparency, ans Spending) na bubusisi, iimbestiga at magsasampa ng mga kasong criminal kung paano nilimas ang pera ng Manilenyo.

Natuklasan din sa inaprubahang 2024 budget na P25.8 bilyon, nakubra lamang ay P21.2 bilyon kaya kapos ng mahigit sa P4.6 bilyon.

Anong klaseng fiscal management ito, mas malaki ang ginastos kaysa kinita.

Nakagugulat pa, 21 opisyal ng gobyerno ni Ate Honey ang naghakot ng mahigit sa 3.8 bilyon kainitan ng kampanya.

At dagdag dito, P7.8 bilyon ang dinukot sa kaha ng taga-ingat-yaman na pinamigay sa mga barangay, ipinasahod sa “emegency” job orders at iba pang gastos sa vote buying.

Sino ang nag-authorize sa cityhall employee na si Jonathan Gorzo, na i-encash ang isang P132-million check, tatlong araw bago ang eleksyon.

Bakit at paano tumanggap si dating Konsehala at dating assistant city administrator Joy Dawis-Asuncion ng P683-million cash advance — na kinuha sa general fund saka itinago sa trust fund — na ibinalik sa general fund, kasi wala pala opisyal at legal na utos na gawin iyon.

Dagdag pa rito, natuklasan na nagsabwatan sina Dawis Asuncion at si PESO head Ferna Bermejo sa pagkuha ng P641.million in cash advances, at ang tanong, sino ang nag-utos na gawin iyon ng dalawang cityhall employees.

Mabuti at nabisto at naharang si Lawyer Marlon Lacson, dating secretary ni Ate Honey sa pagkuha ng P1.1 bilyon na cash advances.

“May kapabayaan. Pinabayaan. Sa totoo lang, estafa ito,” sabi ni Yorme Isko.

Tapos, biglang dami ng JO employees mula 8,309, ito ay bumilang ng 9,830 na ginamit sa eleksyon.

Sa darating na mga linggo pa, marami pang mabibistong anomalya, at iba pang kilos-pandarambong ng nakaraang administrasyon.

Upang maiayos ang pinansiya, inutusan ni Isko ang lahat ng department heads na magsumite ng badyet sa inaasahang gastusin sa layuning mareporma ang bulok na sistema sa paggastos ng pera ng bayan.

Sa sysunod na pagharap sa mamamayang Manilenyo, magpapahatag si Yorme Isko sa resulta ng imbestigasyong ginagawa ngayon ninavCity Administrator Atty. Wardee Quintos at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal, at ang tanong, sino-sino ang makakasuhang magna kum Nakaw na mga opisyal ng nakaraang pamamahala ni Ate Honey ng Maynila?

Teka, asan nga pala si Ate Honey, nasa Maynila ba siya o nagbabakasyon sa kung saan lugar?

Ating abangan ang susunod na bulgaran sa City Council na ngayon ay tiyak na mayroon ding probe na gagawin si Vice Mayor Chi Atienza.

Ipinangako ni VM Chi na ang buong konseho ay in full cooperation upang mapigil ang paghihingalo ng buhay at kabuhayan ng Manilenyo..
***
Mahigpit na pagpapatupad sa tuntunin sa trapiko ang iniutos ni Yorme Isko, kasunod ng personal na nasaksihang aksidente na kagagawan ng Kamote Driver.

Nakita.mismo ng alkalde ang pagkasagasa sa isang biktima sa kanto ng kalye Legarda at San Rafael na agad na nasaklolohan ang di-pinangalanang biktima.

“Isipin mo — paano kung anak mo o asawa mo ang tumatawid sa pedestrian lane ngayon at may kamote driver na katulad mo? Paano kung madisgrasya ang pamilya mo? matigas na wika ni Yorme.

Nangyari ang aksidente isang umaga na nag-iikot ang alkalde.

Dahil sa hindi pagsunod sa trapiko, nagkabanggaan ang dalawang motorista sa nabanggit na lugar.

Pinansin ni Yorme Isko na maraming kamote driver ang hindi sumusunod sa pedestrian lane.

Mga walang respeto, bastos ang mga walang kuwentang driver, kastigo ng alkalde.

Kaugnay nito, magpapatupad na ng mahigpit na disiplina sa mga motorista at sa publiko, pagtitiyak ni Yorme.

Inutusan niya na ang Manila Police District at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magpatupad ng disiplina sa lahat ng kalye sa lungsod.

“Magsimula tayo sa disiplina. Magsimula tayo sa ating sarili. Gawing ugali ang paggalang sa batas. Para ito sa kaligtasan ng pamilya mo — at ng iba pa,” ani Isko.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.