Advertisers

Advertisers

Delos Santos nakamit ang gintong medalya sa Kazakhstan

0 11

Advertisers

ANG Pilipinas ay komulekta ng 2 pang medalya para tapusin ang kanilang matagumpay na kampanya sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Astana, Kazakhstan.

Inangat ni Albert Ian Delos Santos ng Zamboanga City ang 177 kg. sa clean and jerk para masungkit ang gold medal sa Junior men’s 71 kg. category ng event na ginanap sa Qazaqstan Arena.

Delos Santos, anak ng dating national lifters Alvin at Diwa, may bilang na 313 kg. para makamit ang silver medal at fifth sa snatch (136 kg.).

Uzbekistan’s Diyorbek Ruzmetov nagwagi ng gold medals sa snatch (142 kg.) at total (319 kg.) habang ang kanyang kababayan Boburmirzo Yokubov nakupo ang bronze sa snatch (139 kg.).

Kazakhstan’s Alikhan Askerbay binulsa ang silver sa snatch (141 kg.) at bronzes sa clean and jerk (169 kg.) and total (310 kg.).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ang Filipino lifters, ay uuwi na may dalang 16 na medalya kabilang ang gold medal ni Angeline Colonia sa snatch sa Junior women’s 48kg category.

Ang iba pang medalists ay sina Jhodie Peralta (3 silvers sa Youth at 2 bronzes sa Junior women’s 53 kg.), Jerick Icon Castro (1 silver at 2 bronzes, Youth men’s 56 kg.), Princess Ann Diaz (1 silver at 2 bronzes, Youth women’s 44 kg.), at Alexsandra Ann Diaz (1 silver at 1 bronze, Youth women’s 48 kg.).

Ang Youth division ay para sa atleta may edad na 13 to 17, habang ang Junior division ay para sa kumpetitors is 15 to 20 years old.

Nakaraang Mayo, ang Pilipinas ay nagwagi ng 10 medalya sa International Weightlifting Federation Youth and Junior World Championships sa Lima, Peru.