Advertisers
MANANATILI sa kulungan sina Cedric Lee at Deniece Cornejo kahit binago na ng Court of Appeals (CA) ang hatol sa kanilang kaso.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang, hindi awtomatikong nanga-ngahulugan ng agarang paglaya ang utos ng CA.
Aniya, kailangan pa mag-apply ng parole ang dalawa bago sila tuluyang makalabas.
Binago ng CA ang kanilang hatol mula serious illegal detention, na may parusang reclusion perpetua, tungo sa grave coercion na may sentensiyang 6 buwan hanggang 3 taon, 6 na buwan at 21 araw.
Iniutos din ng CA ang pagpapalaya sa dalawa kaugnay ng kasong ito ngunit may isa pang grave coercion case na kailangang harapin sina Lee at Cornejo.
Ipinaliwanag ni Catapang sa Bagong Pilipinas Ngayon public forum nitong Miyer-kules na hindi maaaring pagsabayin ng dalawa ang kanilang dalawang magkahiwalay na sentensiya.
Ibig sabihin aniya nito, kahit nabawasan ang parusa sa isang kaso, hindi parin ito sapat para tuluyang makalaya ang dalawa dahil kailangan pang isaalang-alang ang natitirang sentensiya at proseso ng parole.