Advertisers
ISINUSULONG ng political supporter na si Patrick Aquino ang isang ‘online signature’ campaign na naglalayong makalikom ng 40 milyong pirma upang kumbinsihin si dating Vice President ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na muling pag-isipan ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028 national elections.
Sa kanyang panawagan, hinikayat ni Aquino ang publiko na makiisa sa naturang inisyatiba.
“Online signature campaign, goal 40 million signatures, to convince Mayor Leni Robredo to run for president sa 2028. Game?,” pahayag ni Aquino.
Layunin ng kampanya na maipakita ang lawak ng suportang nais iparating ng mga tagasuporta kay Robredo para sa posibleng pagbabalik nito sa pambansang politika.
Gayunman, ilang beses nang nilinaw ni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo o bumalik sa national politics sa susunod na halalan.