Advertisers

Advertisers

MGA TAPAT AT TOTOO, P10.3 BILYON UTANG ANG INIWAN SA MAYNILA

0 17

Advertisers

Mga taong TAPAT at TOTOO, P10.3 Bilyon ang iniwanang utang at bayarin ng lungsod ng Maynila.

Ang mga taong ito na nagsasabing sila daw ay mga TAPAT at TOTOO ay pinamumunuan ni dating Mayora Honey Lacuna.

Pagsisilbihan umano nila ang mga Manilenyo ng walang pag-aalinlangan,walang kapalit at magiging TAPAT at TOTOO.

Laking gulat na lang ng lahat ng Malaman nilang ganito pala kalaki ang utang na iniwanan nito sa loob lamang ng tatlong taon nilang termino.

Kung ang mga ito daw sakali ang nanalo ng lumipas na eleksiyon ay siguradong sa mga MANILENYO rin babawiin ang mga inutang nito.

Pina-niniwalaan na Ang sinasabing mga utang ay lumobo lamang nitong pagpasok ng taon 2025 lalo na sa panimula ng campaign period.

Dito na matapos ang mga kontrata sa lahat ng mga service company tulad ng waste management kung kaya’t namaho ang lungsod dahil sa mga tambak ng basurang hindi na kino-kolekta.

Maliban dito ay hindi na rin naibigay ang monthly allowance ng mga senior citizen at PWD na aabot sa P850-M na dapat ay naipamudmod na bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Nagkaroon din ng kuwestiyon kung saan na-punta ang pondo ng health department na aabot umano sa P2-B gayong wala namang nakikitang mga gamit at mga bagong medical supply sa mga ospital at health center.

Ultimo daw mga disposable syringe,thermometer,gasa, at bulak man lang ay walang nakikitang imbak ang mga ito.

Ito rin ang dahilan kung bakit sinarado na lang daw ang ibang mga health center tulad sa Baseco at Parola.

Maging allowance daw ng Manila Police District (MPD) ay hindi rin naibigay gayundin ang suweldo ng ilan empleyado.

Wala ring paliwanag sa mga gastos sa inspraktura,building repair at renovation ng ilan mga gusali.

Sa talaan na isinumite ng bagong administrasyon ni Yor-Me Isko Moreno, aabot sa P10.3-B ang sumatotal ang utang na iniwanan ng nakaraang administrasyon.

Sa simpleng salita ay lubog sa utang ang Maynila at bangkarote kung tawaging ng mga ekonomista.

Mabuti pa daw noong panahon ng pandemya na bagama’t naka-pangutang ang lungsod ay meron naman daw dapat na dahilan.

Wala daw talagang pagku-kunan ng anuman noong panahong iyon dahil walang trabaho, negosyo at araw-araw ay lockdown nguni’t sa kabila ng lahat, ito ay nairaos at nalagpasan ng Maynila.

Sa kasalukuyang situwasyon,wala pa ring paliwanag kung saan napunta at saan ginamit ang P10.2B na inutang ng lungsod.

Marami daw binaon sa kanilang paglisan ang mga player ng nakaraang administrasyon.

Ito anila ay magiging legacy nila na talagang hindi kalilimutan ng mga MANILENYO.