Advertisers

Advertisers

Si Spkr. mismo ang kalaban sa loob ng kampo ni PBBM?

0 5,331

Advertisers

SI Speaker Martin Romualdez ba ay kakampi parin ng Pangulo o siya na mismo ang kalaban sa loob ng administrasyon?

Sa dami kasi ng problemang kinakaharap ng bansa ngayon gaya ng presyo ng bilihin, agrikultura at trabaho, dapat ang lahat ng sangay ng gobyerno ay nagtutulungan. Mismo!

Malinaw ang pahayag ng Pangulo: Ayaw niyang mapariwara ang bansa sa gulo ng impeachment. Alam niyang hindi ito makatutulong sa ekonomiya, sa investors, o sa tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Pero tila merong humahadlang sa adhikain ng pagkakaisa at kaunlaran ng Pangulong Marcos.

Isa-isahin natin: Impeachment drama. Budget insertions. Power play sa Senado. Lahat ng iyan ay galing sa Kongreso sa ilalim ni Speaker Romualdez. Di ba parang puro pulitika itong mga pinagkaka-abalahan nila? Wala tayong nakikitang tamang direksyon, lalo na sa pagkakaroon ng solusyon sa mga problema na direktang nakaka-apekto sa buhay ng bawat Pilipino.

Sino ang may pakana? E sino ba ang nasa gitna ng kaguluhan, mga pare’t mare?

Sa huling tatlong taon ng kaniyang administrasyon, si Pangulong Bongbong ay abala sa pagsasaayos ng ekonomiya, pagsasaayos ng foreign relations at pagpapalago ng imprastraktura. Kaso itong sariling pinsan niyang Speaker e tila sagabal sa layunin ng Malacanang. Oo!

Imbes na tumulong, parang ginagawang campaign platform ang Kongreso. Bakit kanyo? ‘Di niyo ba napapansin na araw-araw may press release, araw-araw may photo-op?

Hindi naman secret ang ambisyon ni Romualdez na tumakbong Pangulo sa 2028. Yun nga lang, parang napapabayaan ang tunay na trabaho dahil sa mga ibang pinagkakaabalahan ng lider ng Kongreso.

Eto nga at ginamit pa ang open budget bilang political weapon. Kung kaalyado, may pondo. Kung hindi, tagtuyot. Ganito ba ang serbisyo publiko? Tsk tsk tsk…

Nagtatanong na nga ang karamihan kung hanggang kailan magtitiis ang Palasyo sa isang lider na sumisira sa imahe ng buong administrasyon. Valid na tanong yan, mga pare’t mare.

Pansinin n’yo rin ‘yung mga matinong kongresista, isa-isa nang lumalayo. Tahimik man ang ilan, pero ramdam na ramdam ang pagkadismaya. “House of Crocs” na ang tingin ng publiko sa Kamara. Nangyari iyan sa term ng Pangulo. E sino ba Speaker mula nung 2022?

Kung totoo ang malasakit natin sa administrasyon, baka panahon na para linisin ang sariling bakuran.

Say n’yo, mga pare’t mare?

***

Mukhang malapit nang makamit ng missing sabungeros ang hustisya.

Oo! Sa dami ng impormasyong nakakalap ngayon ng Department of Justice (DoJ) at Philippine National Police (PNP), na anila’y mga tugma sa mga testimonya ng suspek na tumatayong testigo ngayon na si alyas “Totoy” (Julie “Dondon” Patidongan ang tunay na pangalan), tukoy na nila ang mga erya na pinagtapunan ng mga labi ng mga nawawalang sabungero.

Sabi pa ni Justice Secretary “Boying” Remulla, malaking grupo ang nasa likod ng pagkawala ng naturang mga “tsope” na sabungero, dahil narin sa laki ng kinikita sa pagsasabong.

Apat na grupo raw ito. “Hindi lang siya alpha group, meron pa raw siya hanggang delta group – Charlie group, Delta group, Bravo group. Tiered lang siya according to the income stream that they all receive out of this e-sabong industry. Grabe ‘to, corporate na corporate ‘to… Corporate killing.

Hinahanap na ‘yan o nahanap na… Involved lang siya sa subcontracting ng disposition ng persons to be killed. Buhay pa ‘yung mga tao dinadala sa kanila, du’n na yata pinapatay ‘yung karamihan d’yan. It’s a very ghastly scene that we can imagine,” diin ni ng Kalihim.

Ang tinutukoy na alpha group, ayon kay Totoy, ay sina Atong Ang, actress Gretchen Barretto, Eric dela Rosa, Celso Salazar at ilan pa.

Sisimulan na raw ngayong linggo ang pagsisisid sa mga labi.

Subaybayan!