Advertisers
Sa bawat pag-usad ng panahon at sa mga nasasaksihang galaw ng mga pagkabigo, dismaya hanggang sa pananagumpay na ninanasang ibahagi naman para sa kabatiran ng iba’t ibang lipunan ay idinadaan ito sa pamamagitan ng sining para sa pang-eengganyo at pagpapagising sa kamalayan ninuman sa reyalidad ng buhay.
Reyalidad ng buhay na hindi abot sa pananaw ng iba’t ibang lipunan na ang mga mensahe’y idinadaan sa porma ng mga sining.., pagsasalarawan sa mga pagguhit o pagpipinta, potograpiya, pagkanta, pagtula, pagtugtog, pagsayaw, pelikula at iba pang pamamaraan sa pagsisiwalat ng mga saloobin hinggil sa nasasaksihang pangyayari sa iba’t ibang antas ng sangkatauhan.
Ito ang konseptong bumubuo sa ORTIGAS ART FESTIVAL 2025 na masisilayan ng publiko sa GREEN HILLS MALL mula July 10 hanggang 24, 2025.., na nilahukan ng iba’t ibang tanyag na personalidad sa larangan ng sining at ito ay nilapatan ng temang “ART FOR ALL: A CELEBRATION OF BORDERLESS ARTISTIC EXPRESSION.”
Sa pagdaraos ng 94th ANNIVERSARY ng ORTIGAS LAND ay ipinapakita sa ORTIGAS ART FESTIVAL na ang SINING ay hindi nakahawla sa mga galeriya o hindi sa mga collector lamang kundi ito ay karanasan ng mga tao sa lahat ng uri ng pamumuhay.., ito ay kilusan o pagkilos na mahawi ang mga balakid sa pagitan ng kawastuan, sa pagitan ng artists at mga manonood., at sa pagitan ng mundo ng sining at sa pang-araw-araw na pamumuhay.
“Our mission has always been to bring art closer to people and people closer to art.., Art for All is our guiding principle. We believe that by making art more accessible, we’re helping artists grow, helping communities connect, and creating meaningful cultural experiences for everyone,” pahayag ni RENATO HABULAN na isang ARTIST at CONSULTANT AND HEAD CURATOR ng ORTIGAS ART FESTIVAL nang ito ay nagsalita sa naging pagbubukas ng ART FESTIVAL na dinaluhan din nina SAN JUAN CITY MAYOR FRANCIS ZAMORA; PASIG CITY COUNCILOR ANGELU DE LEON-RIVERA; ANGONO COUNCILOR JO ANNE SAGUINSIN; MARITES ORTIGAS mula sa ANGKAN NG ORTIGAS at iba pang ORTIGAS MALL OFFICIALS.
Ilan sa mga itinatampok ng ORTIGAS ART FESTIVAL ay ang mga likhang-guhit ng apo ni NATIONAL ARTIST CARLOS FRANCISCO na si TOTONG FRANCISCO at likhang-guhit ng anak ni yumaong SENATOR ROCO na si RAUL ROCO JR., gayundin ang FASHION DESIGN EXHIBIT na likha ni CHYNNA MAMAWAL.., PHOTOGRAPHY EXHIBIT ng BORN IN FILM, REDLAB at iba pang mga ARTIST.
Sa nakalipas na 8-taon ay napalago ng ORTIGAS ART FESTIVAL ang kanilang konsepto mula sa LOCAL EXHIBIT hanggang sa NATIONALLY RECOGNIZED CULTURAL EVENT na tumanggap na sila ng maraming parangal kabilang na ang ASIA-PACIFIC STEVIE AWARDS at ang INTERNATIONAL BUSINESS AWARDS dahil sa nasasaksihan ito ng publiko o inobasyon at sa pagiging malikhain.., na ngayong taon ay hindi lamang sa pagpapakita ng mga talento ang ipupunto ng ORTIGAS ART FESTIVAL kundi ang makalikha ng tunay at epektong panghabampanahon sa aspeto ng SINING!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.