Advertisers

Advertisers

Mr. Basketball!

0 11

Advertisers

‘Yan ang tawag sa pinakamahusay na basketbolista sa atin at kadalasan siya rin ang pinakasikat.

Ang mga sportswriter ang nagbibigay ng ganyang tawag sa pinakamagaling sa game sa buong taon. Ngayon ang Philippine Sportswriters Association (PSA) ay may pormal na gabi ng parangal para dito kasabay ng sa iba pang sport.

Si June Mar Fajardo ang 8x na Most Valuable Player ng PBA ang malimit mapagkalooban ng titulo. Nadomina niya kasi ang pro league at isang mahalagang manlalaro ng Gilas Pilipinas.

Noon 50’s at early 60’s ay panahon nina Carlos Loyzaga at Charlie Badion.

Kaya nang magkaroon ng pelikulang Mr. Basketball taong 1958 ay kasali ang dalawang player.

Bida si Bob Soler sa movie na idinerek ni Cesar Gallardo at isinulat ni Artemio Tecson. Kabituin ni Soler sina Edna Luna at Jose Romulo pati sina Chiquito at Paquito Diaz. Produksyon ito ng People’s Pictures.

5’9 ang taas ni Bob, makisig at tipong cager talaga. Bayaw siya ni Fernando Poe Jr at pinsan ni Eddie Gutierrez.

Makalipas ng isa pang dekada ay naging pinakabantog na ang pangalang Robert Jaworski na anak ng isang Polish-American na ama at isang Pinay.

Kahit mas maraming MVPs sina Ramon Fernandez at ang sumunod na si Alvin Patrimonio ay wala pa rin tumalo sa katanyagan ni Jawo na naging senador pa. Iba ang karisma niya sa tao.

Tapos ito na nga. Era na ni Fajardo.

Siya ang hanggang ngayon ay ang maituturing nating Mr. Basketball.

***

Bihira magkasundo lahat ang barkada sa pondahan ni Aling Barang nguni’t sang-ayon sila lahat sa PBA hinggil sa offensive goal tending call kay Mo Taututaa sa Game 1 ng Finals.

Kita raw sa slo- mo na pagbitiw ng bola ni Mo ay natabig niya ng malakas ang ring na nagpagalaw sa buong board. Patalbog na palabas ang Molten pero nahulog sa goal dahil sa impact ng basket interference ni Taututaa.

Ganoon din paluwanag nina Deputy Commisdioner Eric Castro at Technical Committee Head Bong Pascual.

Na- review ang play dahil sa deadbolt situation sanhi ng tinawag na jump ball sa huling anim na segundo ng laban. Lahat ng anggulo binusisi nila.

Nasayang ang big comeback ng SMB. Nakaisa naman ang TNT kaya tatlong panalo na lang kampeon na sila at may grandslam pa. Hindi madalii pero baka suwertihin sa dulo.

***

Malakas pa rin ugong-ugong na malilipat ng koponan si LeBron James ngayong season.

Kaka-pick up pa lang niya ng player option sa Lakers pero patuloy ang tsismis kahit may mga denial na.

Interesado Clippers, Warriors, Mavericks at ang orig niyang koponan na Cavaliers ayon sa ilang ulat.

Win mode na kasi ang all-time leader sa scoring. Tila may duda naman ang iba sa LAL.

Lumalabas na best option ni LeBron ang Cleveland na kailangan ang presence ng isang beterano. Saka homecoming ang istorya.

Para kay Rob Pelinka ay ito na best time para i-trade ang tubomg-Akron, Ohio. Dangkasi may makukuha pang matinding kapalit na mas bata at mga future draft pick. Baka sa susunod na mga taon hindi na ganito sitwasyon.