Advertisers

Advertisers

DIAL 911 NI PDGEN. TORRE III SA CAVITE , INUTIL!

0 1,310

Advertisers

HINDI lang miminsan, dalawa at tatlong ulit na napatunayan ng mga residente ng lalawigan ng Cavite, lalo na sa mga gambling at drug haven areas tulad ng mga bayan ng Alfonso, Amadeo, Maragondon, Noveleta, Naic, mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor, Cavite City at iba pang mga panig ng naturang probinsya na walang silbi ang Dial 911, na “pet project” ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.
Walang magandang epekto, kung di man mabagal ay talagang hindi maasahan pagdating sa emergency responses ang karamihan sa kapulisan ng Cavite PNP Provincial Police Office. Hindi lamang ang liderato ni Col. Dwight Alegre ang tampulan ng puna at pagbatikos, kundi mismong ang  pinakamataas na opisyal ng PNP ang nabubuntunan ng sisi.
Halos ay mapudpod na ang daliri sa paulit-ulit na pagtawag ng  impormante ng SIKRETA sa police hotline 911 upang paaksyunan ang lantarang pasugalan ng sakla sa mga bayan ng Alfonso, Maragondon at ang magulong rebisahan ng EZ2, Pick 3 sa garahe ng isang alyas Jun Toto sa Brgy. San, Luis, Dasmariñas City ay hindi ito natugunan ng kapulisan ng naturang siyudad at mga bayan?
Palibhasa’y masugid na tagasubaybay, kaya alam ng mga mambabasa na masugid din na tagasuporta ang SIKRETA sa peace and order effort ni PDGen. Torre III, kaya nahikayat ang ating ka-SIKRETA na ipagbigay alam ang mga kailegalan sa mga naturang lugar.
Ngunit “namuti na ang mata” ng ating ka-SIKRETA sa pag-aantay ng mga magrerespondeng mga pulis ay wala namang dumating mula sa lokal na police station at ultimong  sa tanggapan ni Col. Alegre.
Aniya, hanggang “sa press release” lamang yata ang 5-minute response ni Gen. Torre III.  Ibig sabihin balewala ang PNP hotline dial 911  pagkat wala  kaagad responde mula sa kapulisan sa loob ng limang minuto.
Bilib  naman ang mga taga Cavite kay Col. Alegre, kung performance ang pag-uusapan, tanging siya lamang sa limang provincial director sa CALABARZON ang hindi pa napapalitan sa pwesto bilang PD sa ginawang balasahan na ipinatupad ni Gen. Torre.
Balitang “pamato” daw ng astig na kernel ang mag-utol na Remulla kaya mistulang nakadikit ang puwet nito sa kanyang upuan sa aircondition nitong tanggapan sa Camp Pantaleon Alvarez, Cavite?
Kaliwa’t-kanan at kabi-kabila man ang reklamo sa laganap na vice operation at  ng illegal gambling na front pa ng drug dealing sa Cavite at sa mga kanugnog na lalawigan, ay di natanggal sa kanyang pwesto si Col. Alegre, na naging dahilan  ng matinding pagkadismaya ng mga mamamayan.
Ang matindi pa, hindi na nga nito naaksyunan ang di na mabilang na reklamo sa talamak na operasyon ng gambling con drug operation sa kanyang area of responsibility (AOR) ay nagagamit pa ang pangalan nito ng ilang mga tong kolektor o kapustahan  na kinilala ng mga residente na sina alyas Hero at alyas Ka Minong.
Hindi malaman kung totoong walang kaalam-alam si Col. Alegre sa lantarang operasyon ng Small Town Lottery (STL) con jueteng o bookies, lotteng at Perya ng Bayan sa Dasmariñas, Bacoor, Cavite City at mga sakla joint sa mga bayan ng  Alfonso, Amadeo, Maragondon, Magallanes, Baillen, Naic, Noveleta at iba pang mga lugar sa Cavite  dahil ang  ipinananakot ng dalawang kolokoy ay ang opisina ng butihing kernel sa pangingikil ng lingguhang tara, suhol o intelhencia?
Halos pagkaupong-pagkaupo ni Col. Alegre bilang Cavite OIC PD ay sinimulan na ng estapador at drug pusher  na si Hero at ng mamatay tao na si alyas Ka Minong ang kanilang protection racket operation, ngunit nakapagdududang hindi ito naiulat kay Col. Alegre ng kanyang magaling na intelligence officer at ng kanilang mga intelligence operative.
Si Hero ay may patong-patong na kaso ng swindling estafa at drug-related cases sa Quezon Province, habang may kasong murder naman sa Regional Trial Court sa Cavite si alyas Ka Minong. Di  lang natin malaman kung bakit tanging si Col. Alegre lamang yata ang di nakakaalam?
Sinibak ni PDgen. Torre III ang kanyang mga police chief sa mga siyudad ng Mandaluyong, Marikina, Navotas, Parañaque, San Juan at Valenzuela dahil sa kabiguang tuparin ang iniatas nitong 5-minute response sa mga idinudulog na reklamo ng kanilang mga constituents.
Napakatagal ng inirereklamo ang mga perwisyong  gambling den  sa Cavite, pati na ang di matinag-tinag na nakawan ng oil at petroleum product o paihi/buriki operation nina Amang, Aldo at Violago pilferage and smuggling group sa Brgy. Bancal, Carmona City. Hindi ito napapa aksyunan ni Col. Alegre.
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144