Advertisers

Advertisers

P6.8M shabu, nasabat sa Pasay

0 274

Advertisers

Arestado ang isang lalaki nang mahulihan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation sa Pasay City nitong Biyernes.
Ayon sa PDEA agent na si Chris Basilio, 4:40 ng hapon ng ikinasa ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA CALABARZON ang operasyon sa mga kanto ng FB Harrison at M. Costa sa Brgy. 77 Zone 10 sa Baclaran.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Ani Basilio, tinutugis pa rin ng PDEA ang iba pang kasamahan ng suspek na nagbebenta aniya ng droga sa southern part ng Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON.