Advertisers
Dinakip ang isang retiradong miyembro ng Philippine Marines ng mga tauhan ng Caloocan City Police nang mag-ala “Rambo” sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Caloocan City Police chief PCol. Joey Goforth, ang suspek na si Juanito Soriano, 59, ng Kaunlaran Village, Caloocan City ay positibong itinuro ng mga biktimang sina alyas “DJ”, 20; alyas “Rei”, 20 at alyas “MJ” 19.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente 6:00 ng gabi nitong Hulyo 20 sa harap ng bahay ng biktimang si alyas “Rei”.
Kumakain ang mga biktima nang dumaan ang suspek kasama ang isa pang lalaki.
Makalipas ang ilang segundo, bumalik ang suspek at tinanong ang mga biktima ng “Adik ba kayo?” sabay labas ng kanyang baril.
Dito pinaputukan ng suspek ang mga biktima kaya naman nagsipulasan ang mga ito at nagtago. Mabilis namang tumakas ang suspek.
Agad namang nirespondehan nina Sub Station 4 Commander PCpt. Zoilo Lopez at Shift Supervisor PLt.
Noli Jucal ang insidente kasama ang SWAT sa pangunguna ni PCpt. Mark Son Almeranez.
Binitbit nina SSg. Pat Rafael Guinto, SSg. Emmanuel Paranas at Pat. Ghydys Quenchy at kinumpiska ang baril na ARMSCOR, magazine at mga bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang inihahanda na ang ikasong isasampa laban sa kanya.(Beth Samson)