Advertisers
Malawakan ang pag-ulan sa bansa at dama ng bayan ang pagpapabaya ng mga opisyal ng pamahalaan na una ang sarili bago ang bayan. Maraming kaganapang pangkalikasan ang tumama sa bansa na kumitil ng maraming buhay. Nariyan ang mga bagyo na puminsala sa maraming lugar sa Luzon at kaMaynilaan at nagpawala sa maraming pamayanan, at kakalsadahan. Habang sa ibang bahagi ng bansa, hindi malilimutan ang bagyong Yolanda na sumalanta sa maraming kabahayan, kabuhayan at kumitil ng maraming buhay na ‘di malilimutan, sa kaBisayaan. Sa banggit na bagyo, silip ang ngitngit ng kalikasan at walang sini – sino, karaniwan o may kayang pamilya na pinalasap ng hagupit ng hangin na tumama sa kabahayan ng alkalde ng Lungsod ng Tacloban.
Sa kaganapang banggit, tila nauulit ang ngitngit ng kalikasan sa walang patid na pag-ulan na nagresulta sa pagkawala ng maraming kakalsadahan at pamayanan na nilalamon ng tubig baha. Sa patuloy na pag-ulan hindi mawala sa isip na tila siyam – siyam na pag-ulan ang tumama sa bansa at ‘di matatapos hanggang sa dulo ng ika-siyam na araw na tuloy tuloy na pag-ulan. Pasalamat sa kawalan ng malakas na hangin na maaring magpalala sa sitwasyon at sumira sa mga imprastraktura maging sa mga kabahayan.
Nakakapanlumo ang namalas sa kaMaynilaan ang patuloy na pag-ulan gayun din ang pagbabaha. Habang sa ibang bahagi ng bansa, kahalintulad na panlulumo ang nadadama dahil sa pagbaha at kawalan ng masisilungan ng ilang lumikas. Ang higit na masakit, tumigil ang pagdaloy ng kabuhayan sa loob ng ilang araw na pasanin sa darating na mga araw at ayuda ang sagot ng mga lokal na pamahalaan. Sa takbo ng patuloy na pag-ulan maraming lokal na pamahalaan ang nag deklara na nasa ilalim ng kalamidad ang lunsod o lalawigan. Ang pagdedeklara na nasa ilalim ng kalamidad ay upang higit na mapa-igting ang pagtulong sa mga nasasakupan at magamit ang kaukulang pondo ng lunsod o lalawigan alinsunod sa antas ng pagkasira ng mga pasilidad sa lugar na kailangan makumpuni. Ang agarang makumpuni dapat at maihatid ang serbisyo sa mga nasasakupan o nangangailangan ang galaw na inaasahan sa punong tagapagpaganap.
Malaking hamon sa pambansa at sa lokal na liderato ang ‘di mawala walang baha na deka- dekada ng binabaka ng sambayanan. Hindi matapos tapos ang usapin ng baha gayung ‘di kayang bilangin ng karaniwang tao ang dami ng pondong nilalaan na ‘di sumasagot sa panahon ng pagharap sa baha. Ilang daang bilyong piso ang inilaan sa panahon ni Totoy Osla ng ito’y pangulo ng bansa maging bilang alkalde ng Lunsod ng Davao. Ngunit ‘di nagbago ang usapin, nawala ang pera ngunit ‘di ang baha, nakanino ang kamalian. At narito ang bagong pamahalaan na may galing kuno, nariyan pa rin ang baha, at nahan ang pera ng para‘di maranasan ang pagbaha ng tubig sa mga kakalsadahan ‘di lang sa kaMaynilaan. Sa mga lokal lider, pareho ba ang kalakalan sa pamamahala sa taas at baba ng pamahalaan, may baha ngunit wala ang pera laban sa baha?
Sa totoo lang, hindi maiiwasan ang pag-unlad sa bansa na kita ang gamit higit sa pagbabago sa takbo ng kalakalan sa mundo. Ngunit huwag limutin na sa kaunlaran kailangan lakipan ng pangangalaga sa kapaligiran higit sa taong bayan. Ang masiguro na ang pag-unlad na inilalatag sa lugar na ginagalawa’y ‘di mapipinsala ang paligid at patuloy na napapakinabangan. Ang masiguro na walang salang magaganap sa kinakaharap na panahon sa mga pagbabago’t pag-unlad na ibig higit sa pag-iba ng tindig sa dating kaayusan ng lugar na pirmihan ng tao. Walang tutol sa pag-unlad ngunit ang pagsisiguro sa kaayusan ng paligid sa darating na panahon ang siguruhin.
Silip ang matatarik na mga gusali, ang malalawak na pamilihang bayan gayun din ang mabilis na pampublikong sasakyan na larawan ng kaunlaran. Sa kabila nito, ‘di sapat ang ginawang pagpapaunlad sa bayan sa paglimot sa mga ‘di tuwirang kagalingan. Hindi pinansin ang kilos ng kalikasan sa bansa higit ang papalit-palit na panahon na dinadanas ng bansa o ng mundo. Ang ‘di pagbibigay pansin sa ‘di tuwirang lahok na pagkakakitaan ang salang galaw ng maraming pag-unlad. Ang paglimot na laanan ng “safety net” ang kagalingan ng kapaligiran na tuwiran o ‘di tuwirang may epekto sa pag-unlad ang kahinaan na inaani ng bayan na kabawasan sa kita ng mga kaunlarang banggit.
Ang kaunlaran na ‘di akma sa kaayusan ng kapaligiran ang salang pagbabago na ‘di na silip sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa bansa. Ang kawalan ng komprehensibong plano at pag-aaral sa daluyan ng tubig ulan sa kalunsuran ang malaking salang gawa na tila sinususugan ng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Ang masakit, nariyan ang paglalaan ng salaping bayan na nilulustay para sa sariling pakinabang ng iilan higit ng nasa pamahalaan. At bale wala ang pagsusumikap ni Mang Juan na makaiwas sa baha at baka mahagip ng baha na may ihi ng daga.
Sa totoo lang, matagal na ang pag-aaral sa tamang pag-unlad ng mga kalunsuran sa kaMaynilaan ngunit ang pagtuon na una ang kita bago ang kagalingan ang nagpabansot sa pag-unlad sa bansa. Ang pagdami ng mga gusaling itinayo na sumakop sa mga kanal na likas na takbuhan ng tubig ang dahilan na ‘di mapapasubalian. Marami ang nawawalang kanal na ‘di makita ng tubig ulan na dahilan na gamitin o dumaloy sa kakalsadahan na nagpahirap sa paglalakbay ni Mang Juan. Hindi masama ang pag-unlad kung hindi nasisira ang kalikasan. Sa pagkasira ng likas na mundo,’di mawala ang baha, baha baha saan man sa bansa. Jun Singhot lutasin ang usapin ng bahang dinaranas ng bansa ng ‘di malimot ang anim na taong paninilbihan sa bansa .
Maraming Salamat po!!!