Advertisers

Advertisers

Pulis nagpaputok sa vape shop huli sa CCTV

0 57

Advertisers

Huli sa CCTV ang isang pulis na bigla na lang bumunot ng baril at nagpaputok sa isang vape shop sa Maypajo, Caloocan.

Sa kuha ng video noong Hulyo 31, makikitang hindi pa man lumalabas ng tindahan ang lalaki, agad na bumunot ito ng baril. Habang paalis, itinutok niya ito sa direksyon ng shop at nagpaputok. Ilang saglit lang, mabilis niyang isinuksok ang baril sa likod ng shorts at nagkunwaring inaayos ang kaniyang motor.

Agad na kinilala ng mga awtoridad ang suspek. Kinumpiska ang kaniyang baril at kasalukuyan siyang humaharap ang kasong indescriminate firing.



Hindi pinangalanan ang suspek sa Facebook post ng Philippines Defense Forces Forum, na siyang nagbahagi ng CCTV footage ngayong Linggo, Agosto 3.

Giit pa ng isang commenter: “Dapat mareklamo din yan ng attempted murder. Nakapoint yung baril sa loob ng shop na may mga tao. Kahit ricochet lang yung tatama, potential pa din yun makakitil ng buhay.



Ganto yung mga klase ng mga pulis na nakapasok sa PNP na hindi na-screen ng ayos.” (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">