Advertisers

Advertisers

Carla naka-move on na kay Tom, game na ulit magkasyota; Pokwang mas piniling magluto kaysa makipagsosyalan

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NO show si Pokwang sa naganap na GMA Gala 2025 last Saturday, August 2 kaya naman iniintriga siya ng netizens.

May mga nagtanong kung invited siya sa taunang event ng Kapuso network o talagang nagdesisyon siyang huwag nang um-attend.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, nagpaliwanag si Pokwang kung bakit hindi siya dumalo sa GMA Gala 2025.

Aniya, mas pinili niyang tutukan ang kanyang food business kesa dumalo sa naturang event.

“Nagluto po ako ng paninda ko sa Mamang Pokwang’s gourmet meron po kasi deadline mga bulk na order po,” pahayag ni Pokwang sa kanyang X post.

Sabi pa ng komedyana, mas ginusto niyang gamitin ang kanyang oras sa mga kapaki-pakinabang na bagay, kesa gumastos at mapagod sa pagpunta sa mga pabonggahang showbiz event.

“Attend ka ng GALA gagastos ka, e-effort ka, tapos lalaitin kapa ng tao hahahhaha edi magluto nalang ng paninda,” katwiran pa ni Pokey.

Marami naman ang sumang-ayon sa kanya, kasabay ng pagpuri sa kanyang pagiging masipag at praktikal na nanay. Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens.

“Tama ka, kaya ako pag di invited sa mga weddings, imbes na malungkot, sigh of relief talaga!”

“True naman!”

“Dyan pa lang, talo ka na. Magastos talaga ang umattend ng balls, gala, debut, wedding etc hahaha!”

“Kaso mamang its the 75th Anniversary na Gala. sayang. Pero yah. Hirap din tas lalaitin lang. Go pabili ng gourmet.”

“Oo nga. Lalaitin lang suot mo kagaya nung suot ng isang celebrity na mukhang reyna ng mga alien na kalaban ni Darna.”

“Wow ang sipag mo lang talaga dapat lang dahil sa dumami order na yan eh kaya pagtuloy mo pokie atleast kumita ka pa at tiyaga.

***

MAY bago na palang dine-date si Carla Abellana. ito ang inamin ng aktres sa isa niyang interview. Ibig sabihin, ready na siyang magmahal ulit.

Sabi ni Carla,”I’ve said it naman na before. It’s about time na I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it,”

Dalawang beses nang nakipag-date si Carla sa lalaking ayaw pa niyang pangalanan.

“There’s a second date. We’ll see if there’s gonna be more dates,”aniya pa na halatang kinikilig.,

Kamakailan lang nang intrigahin ni Carla ang mga netizen matapos mag-post sa Instagram ng larawan ng candlelit dinner kasama ang hindi pa kilalang date na may hawak ng menu.

Agad itong pinaghinalaang bagong dyowa niya.

It’s about time naman na muling pumasok sa isang relasyon si Carla, dahil sabi nga niya naka-move on na siya sa hiwalayan nila ng dating mister na si Tom Rodriguez. Besides, may bago na rin namang karelasyon si Tom, na nagkaroon pa siya ng anak dito. So, gaya ni Tom, dapat na ring magmahal ulit ang anak ni Rey Abellana, di ba?