Advertisers
Sa ilang oras na pagbuhos ng malakas na ulan ay TUBIG-BAHA ang dulot sa kapatagan partikular na sa METRO MANILA na tila hindi naisantabi ng mga nakapaligid ang naging malamig na pakikipagharap ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. kay DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) SECRETARY MANUEL BONOAN sa isang okasyong pagsisiyasat sa FLOOD CONTROL PROJECTS.
Nitong nakaraang linggo sa isinagawang pagsaksi ni PRES. BONGBONG MARCOS JR sa sabayang Clean-up drive sa mga lagusang daan ng mga tubig tulad sa CATMON CREEK, MALABON CITY ay hindi nalingid sa matalas na paningin ng mga netizen ang tila malamig at hindi halos iniintindi ni PRES. BONGBONG ang iminumuwestra ni SEC. BONOAN (o nataon lang na mas may punto ang iminumuwestra ng ibang opisyales sa pagkakataong iyon?).
Si BONOAN ay naitalaga bilang DPWH SSECRETARY noong June 30, 2022 na nitong nakaraang 4th STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ni PRES. BoONGBONG ay naglitanya sa mga proyektong “GUNIGUNI” dahil sa mga kickback, SOP, pakikipagsabuwatan ng mga contractor para makuha ang isang proyekto na bilyon-bilyong piso ang laging inilalaan para sa flood control projects ay matinding pagbaha pa rin ang dinadanas ng mamamayan.
Kamakailan ay may ibinunyag si SEN.. ERWIN TULFO na isa umanong “richest Usec in the world” ang hindi ipinag-ingay na tinanggal sa DPWH dahil sa talamak na corruptions.., na aniya ay hindi sapat ang ganitong hakbang at sa halip ay dapat malaman ng sambayanan kung sino ito at agad na papanagutin sa mga naging pang-aabuso nito sa pondo ng sambayanan.
“Mr. President, crack the whip—not just for headlines, but for history.
Let this be the moment when your administration proves that no one is above the law—not even the “richest Usec in the world.” The people are watching. The people are waiting. And the people are tired,” mensahe ni SEN. ERWIN TULFO kay PRES. BONGBONG.
Malaking hamon ito sa liderato ng kasalukuyang administrasyon lalo na’t nalitanya ni PRES. BONGBONG sa kaniyang SONA ang mga katagang “MAHIYA NAMAN KAYO!” patungkol sa mga CORRUPT OFFICIAL na aniya, sa susunod na buwan ay may mga contractor at mga kasabuwat ang makakasuhan dahil sa epekto ng mga proyektong “GUNIGUNI” lamang.., hindi kaya namumuro na si SEC. BONOAN kaya namasdan ng netizens ang naging malamig na pakikiharap ni PRES. BONGBONG?
Sa tinuran ni PRES. BONGBONG sa kaniyang naging SONA ay dapat na magkaroon ng kaganapan na mapanagot ang mga tiwali’t corrupt officials at mabawi ang mga salaping kanilang ipinagbubulsa.., ika nga, huwag tularan ang BUDOL SYSTEM ng nakaraang administrasyon.., tama na ang pambubudol kaya kailangang ituloy ang paglilitis at huwag pahintuin ni PRES. BONGBONG ang isasagawang paglilitis sa mga iniaakusa laban kay VP SARA DUTERTE para masaksihan ng buong mamamayan kung ano ang mga katotohanan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.