Advertisers

Advertisers

Walang nangyaring paglipat ng P1.2-B pondo

0 27

Advertisers

Ito ang paglilinaw ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa akusasyon na pinakialaman at inilipat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang P1.2 billion pondo sa ahensya para sa implementasyon ng isang proyekto.

Ayon sa BFP, ang programang e-911 ay bahagi ng anobasyon ng ahensya sa ilalim ng Republic Act 11589 na ang layunin matiyak na nasa oras at epektibo ang emergency response ng ahensya sa buong bansa.

Napaulat kamakailan na ibinunyag ng isang whistleblower na ang naturang halaga ay nakalaan para sa BFP – pangbili ng fire trucks, rescue vehicles, protective gear at iba pang kagamitan para pagandahin ang serbisyo ng BFP, kung saan inilipat ng DILG para sa e-911 emergency response program kung saan ay walang pahintulot ng Kongreso.

Pinabulaanan din ang DILG ang alegasyon kasabay ng pagpapahayag na…“There is no fund transfer. The project is within the BFP’s legal mandate and budget, and all procurement activities are being conducted internally by BFP personnel.”

“The money was not reallocated, as the 911 program “is a BFP-owned project.” Paglilinaw ng DILG.

Kamakailan inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na nakatakdang ilunsad sa Setyembre 5 ang moderno at ganap na pinagsama-sama pinagandang 911 system.

Ginagarantiya naman ng sistema ang five-minute response time mula sa mga pangunahing ahensya. Ang katugunan ay bilang kasagutab sa mga pangangailangan ng mamamayan para sa mabilisan pagresponde sa oras ng pagkabahala, kagipitan at sa panahon ng kalamidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

“This is not a DILG-managed project. All legal and procedural requirements were complied with,” ayon sa ahensya. Dagdag pa ng DILG na ang BFP ay nagsumite ng Special Budget Request, kung saan inendorso naman ng DILG at inaprubahan ng Department of Budget and Management.

Nilinaw pa ng DILG na ang pinagmulan ng pondo ay sa BFP Modernization Trust Fund at kailanman ay hindi inilaan sa ano man proyekto kung saan hindi na kailangan ang dumaan sa Kongrteso.

Ayon naman sa BFP, na ang pondo ay para sa procurement ng firetrucks, rescue vehicles, at iba pang mahalagang kagamitan para pagandahin ang serbisyo ng BFP.

Noong 2023, nagawang makabili ng BFP 112 firetrucks, 58 ambulances, three collapsed structure at rescue truck kung saan ito ay ibinahagi sa iaba’t ibang rehiyon.

Kasunod naman nito ang pagbili ng 118 firetrucks, 148 ambulances, six collapsed at rescue truck, 49 rapid response vehicle (4×4) noong 2024.

Sa kasalukuyan, ang BFP ay nasa proseso ng pagbili pa ng karagdagang 288 firetrucks (500 gallons) at 20 (1000 gallons fire trucks) kabilang ang tatlong fireboats.

“The bureau strictly adheres to the provisions of RA 9514 (Fire Code of the Philippines) and RA 11589 particularly section 7, which establishes the BFP modernization trust fund and mandates its exclusive use of modernization purposes,” pahayag ni Fernandez.

Iyon naman pala, malinaw na hindi pinakialaman ng DILG ang pondong nakalaan para sa BFP. Mismong BFP pa ang nagsabi.