Advertisers
Halos di makausap ng mga awtoridad ng apat (4) na Indian National (5-6 boy) na nilooban ng 4 na holdaper sa Cainta Rizal.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Alfredo de Guzman, hepe ng pulisya, nitong Agosto 5, dakong ika-3:00 ng hapon pinasok ng mga holdaper ang bahay ng mga biktima sa Blk- Lot-17, Ipil St., Dacon Homes, Brgy. Sto. Domingo sa lugar.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas Lambert, 42-anyos, Kumkit at Kospreet, 30-anyos.
Agad umano silang tinutukan ng mga suspek ng baril at nagdeklara ng holdap habang naka bonnet ang mga ito.
Tinangay ng mga holdaper ang P200,000.00 cash, iPhone 11 na nagkakahalaga ng P1,000,000.00, iphone 16 P90,000.00, iPhone 11 P11,000.00, Samsung P11,000.00, limang relo P90,000.00 at pasaporte umano ng mga biktima.
Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa bahagi ng Felix Avenue sakay ng kulay itim na Ford Territory SUV na may plate number NBG 9800.
Agad namang nagkasa ng Dragnet at follow-up operation ang mga elemento ng Cainta MPS sa ikaaatesto at upang mabawi ang mga ninakaw na pera at mga gamit,
Nagsasagawa na rin ng Backtracking/forward tracking sa CCTV footage at nangangalap ng iba pang ebidensya sa lugar. (Edwin Moreno)